•••
Friyee's POV
"I'm out."
Sabi ko sa dalawa at mabilis na tinahak ang daan palabas ng Club room. Ilang minuto din akong nanatili doon. Pero wala na namang sumunod na kliyente. At 'saka nag-palamig na din ako ng ulo ko dahil sa irita. Wala ding namayaning ingay maliban sa bibig ni Clio. Puro kwento.
May dalawang subjects pa pala ako. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko, pati na din ang earphone. Inayos ko na at isinukbit sa tenga ko bago ko buksan ang phone. Pumunta ako sa notes at tinignan ang next schedule ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa music, I play the 'Youth' by Troye Sivan. Pinatay ko na ang phone ko at isiniksik iyon sa likod ng palda ko. Ibinaba ko ang board ko at nagsimula ng tahakin ang daan.
"And when the lights start are flashing like a photobooth~"
Sinabayan ko ang pagkanta habang gumagawa ako ng tricks sa board na tugma sa beat ng kanta. Wala naman akong problema dahil walang estudyante dito sa hallway. Pati na din sa labas ng mga building. Well I guess nasa mga classes na sila.
"And the stars exploding, we'll be fireproof~" I flipped the board while jumping.
"My youth, my youth is yours~" Sinimulan ko muling isipa ang paa ko upang bumilis ang pagpapatakbo ko.
"Trippin' on skies, sippin' waterfalls
My youth, my youth is yours
Runaway now and forevermore
My youth, my youth is yours
A truth so loud you can't ignore
My youth, my youth, my youth
My youth is yours~"Nakalabas na rin ako ng building C, 'yon ay reserved lang daw sa mga Club rooms. May limang palapag at naka-puwesto ang YD room sa ikatlong palapag. Guess what? I didn't take the elevator. Ginamit ko ang railings sa mga stairs. Doon ko ipinadausdos ang board ko. Matibay pala ito, well sabagay their technology.
At 'saka mas mabilis 'yong ganoon kesa sa elevator. Maghihintay ka pa. Eh dito, tuloy-tuloy na at masasanay ka pa sa o mahahasa mo pa ang paggamit ng mga boards. Dumiretso ako sa building E, which is limang building ang pagitan mula dito.
Grabe talaga ang laki ng university na ito. Dito ay kompleto na, from nursery, grade school to collage. Hindi ka din maboboring sa mga subject dahil talagang bihasa ang mga nagtuturo dito. Walang kahit anong ginagawang kababalaghan, naka-pokus lang talaga sa pagtuturo sa mga estudyante.
Nag-kwento si Clio about sa isang teacher dito dati na may affair sa isang estudyante at may isa namang tamad daw mag-turo. Nakarating iyon sa head at wala ng sermo-sermonyas na tinanggal sila. Knowing them, hindi maipagkakaila ang taas ng sahod ng mga empleyado ng paaralang ito. Well, nakinig naman ako kahit papaano para may kaunting kaalaman naman tungkol sa history ng school na ito. Marami pa s'yang nai-kwento at sa sobrang dami nawindang ang eardrums ko at parang napuno ang storage sa utak ko.
Sa susunod nga mag-papakwento ako kung paano at saan nagsimula ang 'Young Detectives'. I wonder kung sino ang nag-pasimuno noon. Pero okay naman. Iisipin ko nalang na may mga cases akong iso-solve katulad ng una kong punta dito kesa naman sa kanina. Walang kwenta. Malandi. Putangina.
BINABASA MO ANG
GAME OVER: The Mystery
Mystery / ThrillerWe solved mysteries. We are called the 'Young Detectives'. But what if, the biggest puzzle is me itself? Can we solve it? GAME OVER: The Mystery •MAGIC SERIES #5 ©All Rights Reserved.