GO:TM-1; 'Suspect'

920 33 12
                                        

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•••

Iminulat ko ang aking mata, hindi ko alam pero nahihilo at nanghihina ako. Kasabay ng aking pagmulat ay napapikit muli ako dahil sa patak na hula ko ay ulan.

Kumurap-kurap ako at 'saka sinikap na umupo mula sa pagkakahiga sa malamig na semento. Pinagmasdan ko ang paligid ko, ilang segundo muna ang lumipas upang ma-pokus ang paningin ko mula sa matinding hilo.

Madilim ang paligid, tuloy-tuloy ang masaganang pag-patak ng ulan at ang kadiliman ng kalangitan. Sa t'yansa ko ay alas dyes na siguro ng gabi.

Ang tanging nagbibigay lamang sa akin ng ilaw ay ang isang poste malapit sa kinaroroonan ko. Binalak ko sanang tumayo upang sumilong sa nakita kong kubo, kaso bumigay ang tuhod ko at bahagya pang kumirot. Bumalik na naman ang hilo ko at napahiga ako muli.

Just great. What the hell.

Napahinga ako ng malalim at muling binalak na umupo ng bigla akong masilaw.

Bwisit naman oh, shit.

Bahagya kong iniharang ang kaliwa kong kamay sa ilaw, nakita ko naman na nanggagaling ito sa isang sasakyan.

I hope na isa itong mabuting nilalang na tumulong sa akin.

'Ugh!'

Napa-hawak ako bigla sa aking ulo ng makaramdam ng isang matinding sakit.

Minamalas nga naman.

Sa dinami-dami ng pwedeng araw na malasin, ngayon pa talaga. Shit, ano bang nangyari sa akin?

Come on, makisama ka naman ngayon R...?

Teka, bakit hindi ko maalala? Bakit hindi ko alam ang pangalan ko? Anong nangyayari?

Hingang malalim, baka guni-guni lang ito. Oo, tama. Baka--- damn.

*Beep!*

"Mamaya pa ang baha, advance ka naman masyado miss para mag-swimming!" Narinig ko ang nilalang na mukhang nanggagaling sa sasakyan, tss.

"Calm down, Leathan! Mukhang may nangyari sa kan'ya. Bumaba tayo, at hindi ko masyadong maaninag dahil sa tindi ng buhos ng ulan!"

Naramdaman ko naman ang paglapit nila sa akin, ugh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Peste, para akong pinupukpok ng martilyo!

Bumulong ako, "H-h-help,"

*BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BWING! BW---!*

Napabalikwas ako ng bangon at nakapa ko ang alarm clock, binato ko ito ng malakas. Nanggigigil ako, ang ingay kahit kailan!

Kumunot na lamang ang noo ko at napahinga ng malalim. I am dreaming that dream again.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon