•••
Friyee's POV"Masquerade ball ang mangyayari bukas, there's a game that was made by the Dean itself." panimula ni Ethan sa pagpapaliwanag sa aming meeting.
Ang gwapo talaga ng lalaking 'to, amp. Ang mata n'yang kulay kape na talaga namang nakaka-akit. Shit, ang gwapo ta-
"Yee, masyado kang halata. HAHAHA!" nabigla man pero hindi ako nagpahalata, epal 'tong lalaking 'to at bulong bulong pa akala mo naman hindi rinig ni Ethan.
"Saan na naman?" Kunwaring iritable kong sabi.
"Crush mo si Dude 'no?" mas mahina n'ya pang bulong.
At wala nang alinlangang dumiretso sa batok n'ya ang kamay ko, narinig ko s'yang dumaing dahil tumama ang noo n'ya sa mismong table, "Don't ask me nonsense questions."
"Ang brutal mo naman! Masakit!"
"Ganun talaga, kaya manahimik ka na lang."
"Edi totoo nga?!" Ngumiti s'ya ng malapad at umamba ako ng suntok na agad ikinawala ng ngiti n'ya.
Kinatok ni Ethan ang lamesa, "Walang tao." Walang ganang sagot ko.
Sinamaan n'ya lang ako ng tingin, "Focus here."
"Ayoko."
Mas tumalim ang tingin n'ya, "Ano-"
"Ayokong tumanggi, sa gwapong katulad mo pa ba naman." nginisian ko s'ya.
Natigilan naman s'ya at bigla namang nag-yieee ang gagong Clio, "Owshettt! Nawala bigla 'yong sakit ng noo ko! Ako kinikilig owemji!!"
"U-Umayos ka, Ms. Gordan."
"Ang cold naman, 'asan na 'yong Iyee?" ngumuso pa ako, yuck. Ano bang nakain ko ngayon?
"Yee lang malakas!!!"
"S-Stop n-"
"Alam mo ba kung bakit nakakainis kung sakaling ako ang buwan?"
Kumunot ang noo n'ya, "Because you will be my Earth and no matter how far you are, I'll chase you even when the sun is up."
"W-What the h-heck?" mahinang bulong n'ya na ikinatawa ko nang bahagya.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang paghampas ni Clio sa balikat ni Ethan, "Sus, kinikilig ka lang dude eh!"
"Kaya kong maging armas mo."
"Ano na n-naman 'yan?"
"Kasi handa akong maging sa'yo habang nalaban ka sa mga bagay na gumugulo sa buhay mo-"
Nakita ko naman ang pagpigil n'ya ng ngiti at ang paghampas na naman ni Clio sa kan'ya, "-kaya ko ding pumutol ng kamay ng mga nananakit sa'yo."
"HAHAHA!!" humagalpak ng sobrang gwapo si Ethan habang si Clio naman ay parang iniwan ng kaluluwa!
BINABASA MO ANG
GAME OVER: The Mystery
Mystery / ThrillerWe solved mysteries. We are called the 'Young Detectives'. But what if, the biggest puzzle is me itself? Can we solve it? GAME OVER: The Mystery •MAGIC SERIES #5 ©All Rights Reserved.