GO:TM-39; 'Let's Talk' |Eager|

130 10 3
                                    

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ethan, galing din ng mokong 'to. Since kanina nung wala pa si Jhamie, I was awake. Kase before that, hindi na ako maka-galaw sa kanta ni Ethan. I mean, it feels weird and it's making me feel something unusual. 

And since earlier, the moment he left me. There's something in me na parang naghihintay lang sa kan'ya, and there I found out that his voice was the key to recall some of my memories. 

Wala akong pake kung coincidence lang ba ang lahat o talagang s'ya nga ang may gawa nun. Isang alala mula sa nakaraan, isang mahalagang detalye upang mahanap ang aking tunay na pagkatao. 

Isang napakagandang kapaligiran ang nakapalibot sa akin, puno ng iba't-ibang halaman at bulaklak, ang sinag ng araw ay napakaganda, ang mga puno ay kakaiba, at sa aking harapan ay nakikita ko ang babaeng may pulang buhok na nakatalikod sa akin. Binanggit ko ang salitang, "Cal!"

Hanggang doon lang ang naipakita pero malaking parte na 'yon ng hinahanap ko. Hindi ko alam kung anong lenggwahe pero nakasisigurado akong 'ate' ang ibig sabihin nun. At simula ngayon, s'ya ang hahanapin ko. 

"Sure na 'yan, dude? Hindi talaga ako kasama?" napalingon kaming lahat kay Clio na magkahawak ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib na tila ba ay nagdadasal ng isang bagay na gustong-gusto n'ya. 

Nadama ko naman kung gaano kalalim ang hiningang inilabas ni Ethan, "We'll discuss this without you."

"Why?! Bakit naman?! Ang sama mo! Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?" peste nagdrama pa.

"No." tugon naman ni Jhamie.

Mabilis namang lumingon sa kan'ya si Clio, "Then Why?!"

Mabilis din s'yang sinalubong ng kamao ni Jhamie, sapul sa ilong. "Aray naman, Sun!"

"Manahimik ka nga, hindi ka si Cali." pairap na tugon nito.

"Ay hindi ba?" napangisi na lamang ako ng magkamot ito ng sariling ulo, ang gulo ng dalawang 'to. Parehas maluwag ang turnilyo sa ulo.

"Puntahan mo si Asul, nasa kan'ya 'yong kailangan natin for the upcoming Acquaintance party. We will lead the show." sabat naman ni Ethan.

"Si Asul? As in 'yong panget?! Hoy, James! Huwag mong utusan ng gan'yan si Moon!" Biglang sigaw ni Jhamie at talagang humakbang pa papalapit kay Ethan, nakataas ang dalawang kamao na tila ba naghahamon ng isang seryosong laban. 

Nagtama naman ang paningin namin ni Chaira, hindi na ito kasingsama ng dati pero nanduon pa din 'yong nakagawiang irap. Umirap na lang din ako bago isenyas ang nguso ko sa gawi ni Jhamie. 

She mouthed, "Karibal ng gaga."

Tumango na lamang ako. "Bakit naman? Ayaw ko pang mamatay!" sigaw din ni Clio.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon