GO:TM-36; 'Voice' |Eager|

117 10 2
                                    

•••Friyee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Friyee's POV

"What are you doing here, Ms. Luxir?" Agad na tanong ko, nagtataka. Kanina lamang ay nagkabanggan pa kami, papaanong nandito s'ya at nakatali tapos may mga sugat ang balat?

Tumingin ito sa akin, "Namamasyal lang ako, Ms. Gordan. Ang galing 'no? Walang bayad 'to." Sarkastiko na wika n'ya.

Umirap ako sa kan'yang tugon, "Halika na, hayaan na natin 'yan. Kailangan pa ni Ms. Moore ang manggagamot."

"What? Seryoso ka ba d'yan, Fri?" Sabat naman ni Jhamie, naguguluhan.

Inilipat ko sa kan'ya ang aking seryosong paningin, "Mukha bang nagbibiro ako?"

"Hindi, pero pwede namang nagbibiro ka pala pero hindi halata." At nag-kibit balikat s'ya.

"Whatever. Tara na, natingkad na ang kulay asul sa balat ni Ms. Moore."

"H-Hala, oy? S-Seryoso kang iiwan ako dito?" Bigla namang sabat ni Ms. Luxir.

"Madali lang naman akong kausap ngayon. Isang salita, isang gawa. Ano, namamasyal ka pa din ba?"

"Hala, grabe. Hindi ka na mabiro. Puro sugat na nga ako, wala ka man lang bang awa?" Nakangusong wika n'ya.

Umirap ulit ako, "Naaawa lang ako kapag patay na ang isang tao't walang hustisya. Gusto mo bang kaawaan kita?" Tanong ko pero bigla ko na lamang narinig na tumawa si Ethan.

"Oy, himala! Tumawa si Dude!" Namamanghang wika ni Clio.

"Hala, ang gwapo. Isa pa nga, Ethan!" Namamangha ding komento ni Chaira.

Tumaas naman ang kilay ko at tinignan s'ya na para bang s'ya na ang pinakabaliw na nakita ko.

"Oh, sorry. 'kaawaan' word from you made me laugh." He said and then his lips formed into a straight line.

"At anong nakakatawa doon?"

"You already witnessed a lot of people died, example from our first met. You see it face to face and I can clearly remember that you don't have any pity in your eyes looking at them." Paliwanag n'ya at ibinulsa ang dalawang kamay.

"Okay, point taken. But, where's the funny one?"

"It's ironic."

"Is that funny?"

"For me, yes."

"You're insane."

"You can say that."

"Hoy, pakawalan n'yo muna ako! Nangangalay na ako." -Ms. Luxir.

"Kanta ka muna."

Binigyan n'ya naman ako ng isang nagtatakang tingin. Oh no, iba na talaga epekto sa akin ng kaantukan!

"Anong kanta? May gan'yan ka na?"

"Wala pa, kaya nga pinapakanta kita."

"Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Nangangalay na ako eh."

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon