GO:TM-35; 'Her' |Eager|

138 9 2
                                        

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

"What kind of drug?" I asked with a knotted eyebrows. 

Tumingin s'ya sa akin ng dahan-dahan at nang magtama ang mata namin ay masama itong nakatingin sa akin. 

"Well, it's not that poisonous. Approximately a drug that can make you lose your conscious and make you lose some of your memories." She said and then looked to Ethan.

"I saw them earlier injecting something on her, at nakita ko sa bote ay pangalang 'Lepitholen'."

"It's the drug from last session. Ves University introduced them. It can make you sleep and lose your latest memory." Sabat naman ni Jhamie habang pinupunasan ang mga needles n'ya.

"Pero hindi tapos ang eksperimentong iyon. The purpose, 'yon lang ang sinabi pero hindi pa natutukoy ang side effects." Humarap ito kay Ethan, "Dude, baka kung anong mangyari sa kan'ya. Mababatukan ako si Young Sir!"

"Let's go, Gui is the only people who can treat her." Ethan said.

"Who's Gui?" Tanong ko, masyado na akong curious, mas maigi nang lubusin.

"He's the head doctor in MU, probably the first rating doctor in here, Italy, Russia, France, Germany, and Netherlands."

"Ah, akala ko si Sado pa din sa medical chuchu." Nagkibit-balikat ako at 'saka humikab. Nararamdaman ko na naman ang espirito ng kaantukan!

Tapos na naman siguro 'to, diba? Pwede na akong matulog, diba?

"Alam nang head of Intelligence, nakita na ang building na puro teknolohiya, mukha bang naggagamot 'yong tao?" Bulong ni Chaira pero dahil tahimik, rinig ng lahat.

Natawa na lamang ako ng bahagya, "Simpleng kumpirmasyon lang, mukhang ang daming kick-back ah? Baka sampalin kita ng walang dahilan, italak mo na lahat ng nasa isip mo?"

"Hindi talak ang gagawin ko, away na 'to nang wala sa katinuan. Malayo ako sa MU, pwede na akong bumugbog ng tao." Pairap na wika n'ya.

"Bumugbog? What a word. Sino naman tanga ang magpapabugbog? Sino bang hahamunin mo? Ako?" Humakbang ako ng tatlo papalapit sa kan'ya, "Kaya mo ba ako?"

"Huwag kang mayabang, hindi mo pa alam ang kaya ko."

"Huwag kang manigurado, hindi mo pa nakikita ang buong kakayahan ko."

"Ano ba?! Tumigil nga kayo, nagsisimula na naman eh!" Pumagitna si Jhamie.

Ngumisi na lamang ako at ipinaypay sa sarili ko ang RedLife n'ya. Nakita ko namang nangunot ang noo n'ya.

"Paano mo nakuha 'yan? Ibalik mo."

"Ito?" Bahagya ko pang inangat ang pamaypay, "Luh, asa ka."

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon