GO:TM-42; 'Ken' |Eager|

116 7 2
                                    

•••Friyee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Friyee's POV

"All mortents, leave." Walang emosyong saad ni Ethan. Dali-dali namang nagsi-alisan ang mga estudyante maliban sa amin, YD's, Rulers, and Givers.

Tumayo ng maayos si Ethan at walang ganang tinignan ang tatlong Givers na tulala kay Pula. "You should be careful, I still have the rights to give all of you the remaining negative points of Pula."

"W-We will." Sagot naman nung babaeng kulay pink.

"And we also have the rights to give you all a tasks in the name of Pula." Sabat nung lila, I mean Purple.

Ang kumplikado ng mga bagay dito. Ang hirap intindihin, ang hirap humabol. Ang hirap makisabay at ang hirap malaman ng buo.

If this University is all about the game and every students are the player, then how can I survive and win this?

There must be a way to unveil the reason of all this shits happening. There must be a way and I will have that way.

Tumango si Ethan, "Of course." Nawala ang bow and arrow n'ya at 'saka ibinulsa ang kamay. "Give it."

"I am Rosas, Giver of Beauty. I am giving you tasks and you shall do it or else negative points will be given to you." Saad nung Pink at medyo na-alerto ako ng ibato n'ya sa direksyon ko ang isang bagay.

Kalmado kong itinaas ang kanan kong kamay at swabeng sinalo ito, kulay pink na envelope. "What the hell is this?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko naman na lahat ng Rulers ay may hawak ng envelope kagaya ng akin, wala dito si Leath at 'yong isa. Enhet 'ata ang tawag sa kan'ya.

"You're not a mortent, you're a YD secretary. Your level is high above the normals and this stage you will be given tasks like them." She answered and her voice is sweet, her face is pretty. She's fit for the role being the Giver of Beauty.

Tinignan ko ang bagay na hawak ko at nagtaka ako dahil wala akong makita ni tultok. Blankong papel lamang.

Siniko ko si Chaira at ipinakita sa kan'ya ang papel.

"They will talk to Dean first and finalize what's our tasks. Kapag natapos na, lalabas d'yan ang kailangan mong gawin. Mag-ingat ka lang sa kung anong naka-atas sa'yo. May delikado, may mapanlinlang." Tugon n'ya na tinanguan ko na lamang.

'This should be exciting.'

"I am Asul, Giver of Skills. I am giving you tasks and you shall do it or else negative points will be given to you." may ibinato din ito at agad kong sinalo, parehas lamang ngunit naiiba sa kulay.

Nahagip ng mata ko ang pagsiko n'ya kay Purple, "Pwede bang hindi ko na bigyan si Apricot?"

"Bigyan mo! Sapakin kita d'yan. Special treatment lang ang peg?! Ulol, walang tatanggap!" Sigaw ni Jhamie na bahagyang nagpatawa sa akin, kitang-kita mo pa ang panlilisik ng mga mata nito.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon