Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
••• Friyee's POV
Nakaramdam ako ng biglaang galit sa kalooban ko, ano bang gusto nila?! Paano ba ang takbo ng utak nila?! Puro kabobohan?! Gumagawa ng kalokohan sa hindi sapat na dahilan?!
Nagtinginan sa akin ang lahat na tila ba inaabangan ang susunod na gagawin ko. Pero malas lang nila, wala akong paki ni isa sa kanila.
Matalim na tingin ang binigay ko sa babaeng punyetang 'to. Ang asul kong mata ay mas tumingkad habang nakatitig ng matalim sa pula n'yang mata.
"If..." panimula ko at bigla namang ngumisi ng mas malapad ang labi n'ya.
Hindi ako kumurap, "If something happens to Leath, protect youself. I'll rip you out into fucking pieces."
Agad akong tumalikod at tumakbo ng todo upang mabilis na makarating sa garden. Mas mabilis pa kay flash, mas mabilis pa sa kanina.
'TanginaLeath, lumabanka. Wala akong kaibigan na mahina.'
Nasa isang minuto na akong natakbo pero wala pa din, hindi ako aabot nito sa tatlong minuto na nilaan n'ya. Shit.
I immediately clicked my ring and my board appeared. Agad akong sumampa at kagaya ng inaasahan ko ay mabilis akong nakarating.
Pero punyeta.
Bakit biglang may mga men in black dito?! Mga salamin naman kulay puti! Tae, ano 'yan?! Bagong uso?!
Hinimas ko ang tungki ng ilong ko bago nagtangkang lagpasan sila pero agad na tumutok sa akin ang isang baril.
Natigilan ako.
Dahan dahan akong tumingin sa isa habang dumidikit na ang dulo ng baril sa aking noo.
"Life advice, you would not want to point a freaking gun to me. You don't know what might happen next." walang emosyon kong wika habang nakikipagsukat ng titig sa kan'ya.
Bahagya pang nawalan ng lakas ang braso n'yang may hawak na baril ngunit agad din binawi ang postura.
"You left me with no choice, pay the price."
Agad kong sinipa ang bayag n'ya at 'saka inagaw ang baril. Agad ko namang pinagbabaril ang sampu n'yang kasama sa tagiliran.
Tiniyak ko namang mabubuhay pa sila. Binato ko na ang baril at agad na tumakbo dahil nahahagip na ng paningin ko ang pagtaas ng isang harang palibot sa north garden.
Kapantay na ng bewang ko ang taas at patuloy pang tumataas, matutulis ang dulo.
Hindi na ako nagalinlangang tumalon ng mataas at maingat. Kahit naman ganito ako, may pake ako sa katawan ko.
At hindi ako tatanga tanga katulad ni Chaira at Jhamie.
Eksaktong pag-landing ko sa lupa ay nadapa ako dahil sa gulat! Punyeta, biglang bumilis ng taas ang harang!