GO:TM-4; 'Join Us'

272 24 7
                                    

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

"Ano?"

Iritable kong sambit, kanina pa nakulbit itong dalawang 'to. Putulin ko mga daliri eh, aish.

"Gagalit ka ghorl?" natatawang wika ni Chaira.

Napa-irap ako ng wala sa oras. Grabe 'tong dalawang 'to. Parang kahapon lang parang mga natatae tapos ngayon ang lakas mang-asar. Well, hindi naman totally na nang-aasar. Mukha lang ang nang-aasar. Nakaka-asar. 'yon na 'yon. Period.

Tinignan ko sila ng masama. Kita mong nagkaklase, ang lalakas ng trip. Kung hindi lang ako malalagot kay papa, kanina pa ako nagliwaliw! Kapag ako nagkaroon ng record or kahit ano, kakalbuhin ko ang dalawang ito. At kapag ako na-expel, pupugutin ko ang mga ulo nila. At kapag ako napagalitan, ipapalapa ko sila sa alaga kong buwaya!

Oh my! Na-miss ko tuloy bigla si Zeeri! Ang cute pa naman ng buwaya na 'yon! Tapos si Deni! 'yong sutil kong lion! Wah! Parang gusto ko na ulit umuwi, nakaka-miss sila! Dapat pala dinala ko si Viex, 'yong gwapo kong dire wolf!

"Ang boring ni ma'am 'no?" Bulong ni Jhamie sa akin.

"Share mo lang?" Inip kong wika. Kung maka-boring naman ang babaitang 'to. Tss. Alam ko namang hindi s'ya fan ng matematika kaya n'ya nasasabing boring.

Boring. Boring in other words is not interested. Bakit ka naboboring? Kasi hindi ka interesado. As simple as that.

"Grabe naman 'to, Chaira penge ngang pagkain mo d'yan!"

"Ano?! Ayoko nga! Dapat nagbalot ka ng iyo kanina!"

"Eh hindi ko naisip!"

"Wala ka namang isip, gaga!"

"Aba't! Atleast may utak!"

"Utak mong maliit!"

"Loko ka ah! T'yan mong dragon!"

"Gaga! Hindi naman 'to nagbubuga ng apoy!"

"Gaga ka din! Akala mo---"

"Ms. Larin and Ms. Cruzen. You know, chatting or talking in my class is strictly probihited." Madiing wika ni Sir. Froy.

Napalunok naman ang dalawa, tss. Sabi na nga ba eh. Ang ingay ba naman. Pwedeng pampalengke. "Solve this equation. Now."

Sabay na nanlaki ang mata nila, mukhang mga kwago. Sayang, dapat pinicturan ko!

"We didn't have all day."

"Hala, 'di ko alam 'yon." Bulong ni Jhamie.

"Gaga ka kase! Dinamay mo pa ako!" Bulong din ni Chaira.

"Aba kasalanan ko bang mikropono ang bibig mo?!"

"Aba nagsalita! Ikaw nga 'tong abot hanggang munisipyo ang bunganga!"

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon