GO:TM-17; 'Music Room' |Suicide|

179 15 2
                                    

•••Friyee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Friyee's POV

"This is insane." Wika ko habang naglalakad palapit sa Axe, kinuha ko iyon at tinignan. Matulis iyon at parang kuminang sa mata ko. Paglalaruan at paiikutin ko na sana ng bigla tumikhim si Ethan. I rolled my eyes and stop my body from what it wants to do. Bago ko ibaba ang bagay na 'to ay nahagip ko ang naka-ukit sa may bandang hawakan nito. May kaliitan pero nababasa.

Itinaas ko ang hintuturo ko at sinensyahan si Ethan na lumapit sa akin at itinuro ko ang nakita ko. 'Suicide' ang nakalagay. Kumunot ang noo ko, this is getting weird and weird. What the Hell?

"Let's get them out of here, first." Saad ni Ethan at tinanguan ko na lamang. Tumayo na ako at tumingin kay Gia Santos. Tinaasan ko s'ya ng kilay, nakatulala ito habang nakayakap sa sariling tuhod.

"Paano ka napunta dito? You are in the clinic with the Phoenix." Tanong ko dito pero tumingin lang s'ya sa akin at hindi man lang nagbitaw ng kahit anong salita.

Tumango-tango ako at ipinatong ko sa balikat ko ang Axe na hawak ko. Unti-unti akong humakbang palapit sa kan'ya. Umatras s'ya hanggang sa wala ng s'yang maatrasan. Iniluhod ko ang isa kong tuhod at inilapit ng bahagya ang aking mukha, "Sasagot ka o tutuluyan kita?"

Her eyes is black as ebony. No emotions but her body says she's scared. Nalipat ang tingin n'ya sa Axe na hawak ko at nakita ko ang luhang tuloy-tuloy na sa pagtulo.

"Huwag mong takutin." Sabat naman ni Ethan. Leche, kanina pa 'to ah.

"Hindi ko naman tinatakot. Ang ayos ayos ng pagkakatanong ko. Mukha ba akong may sungay at pangil?"

"Tinatakot mo na dahil sa tanong mo at bitawan mo nga 'yang bagay na 'yan."

"I don't want to. Akin na lang 'to, medyo okay at maganda."

"Adik ka ba? Saan ka nakakitang estudyante na may hawak hawak na gan'yan?"

"Bulag lang? Hindi mo ba nakita 'yan kanina?" Saad ko sabay turo kay Jean Moore na wala pa ring malay.

"W-why?" Sabay kaming napa-lingon kay Gia ng sa wakas ay bumukas na din ang bunganga nito. Tumingin ito sa mismong mata ko at may nga emosyon akong nakikita, "Why?! B-Bakit mo pinigilan?! Bakit mo hinarangan?! I just want to die! I fucking want to die! This pain is unbearable and I want to end this now! You bitch."

"Woah." Sarkastikong hasik ko na lamang sa mga outburst n'ya, pero pagkatapos ng hasik ko ay nawalan ito ng malay. Inirapan ko s'ya at aktong ihahampas ko na sa kan'ya ang hawak kong Axe ng may kamay na pumigil dito. Alam kong si Ethan ito, at bumuga na lang ako ng isang malalim na hininga. Tumayo ako at kumawala sa kapit n'ya.

Lumapit ako sa Gia na 'yon at sinampal s'ya ng malakas, aba hindi pwedeng hindi ko mailabas ang inis ko. Ako na nga itong tumulong, ako pa ang may kasalanan. Aba, sige ako ang papatay sa kan'ya! Bwesit! Leche!

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon