GO:TM-12; 'What the heck?' |Suicide|

242 17 3
                                        

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

Nauna na ako sa pagtahak ng daan at naramdaman ko namang nakasunod lamang ang dalawa sa akin.

"Hey, dude! Libre mo ako, dali na!" Narinig kong sambit ni Clio, nako. Hindi na naman mahinto ang bibig.

"I don't want to." Simpleng wika ni Ethan.

"Dali na! Sige ka, isusumbong kita about sa sinabi mo kanina sa amin ni Zach!"

"Mag-tigil ka. Nakakarindi ka."

"Ayaw mo? Dali na! Dali na kasi! Parang limang libo lang eh, ipapagawa ko lang 'yong board ko nagkagasgas kasi! Dali na, hoy!"

"Kasalanan ko bang nagkagasgas 'yon para sa akin pa manggaling ang pera para mapagawa 'yon?"

"Hindi naman, next day pa ang allowance ko mula kay daddy. Eh, kawawa naman si Apri. Ayoko s'yang nasasaktan!"

"Tanga, wala namang buhay at pakiramdam iyon."

"Dude, masakit na ah! Huwag mong sabihin 'yan, kaibigan ko 'yon!"

"Edi goodluck."

"Hmph! Sasabihin ko talaga 'yon!"

"Edi sabihin mo."

"Tse!" Naramdaman ko namang papunta sa gawi ko si Clio at napabuntong-hininga na lamang ako.

"Yee, may sasabihin ako sa iyo!"

"Hindi ako interesado." wika ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Eh? dali na! Makinig ka lang. Kasi ganito..." Nahagip ko naman ang pagsabay ng lakad sa amin ni Ethan at ang pagsulyap dito ni Clio, "Sasabihin ko talaga, dude."

"Just tell her if you want to. Don't be such a coward."

"Ang damot mo! Limang libo lang naman eh!" pagmamaktol nito na hindi naman namin pinansin. Gusto kong matawa sa pag la-'lang' n'ya sa limang libo. I mean, sa mga katulad namin, singkong butas lamang iyon pero I learn how to live like a normal people that working for the money to spend for daily expenses. And I can say that it is too much.

"Yee, alam mo ba? Si Ethan may--" natigil ito sa pagsasalita ng itaas ko ang kamay ko na simbolo ng tumigil s'ya. Napahinto din ako, I focused my eyes into somewhere that really caught my attention. "Do you see that?" Tanong ko sa kanilang dalawa at itinuro ang isang bagay.

Lumapit pa sila at tinitignan ang itinuturo ko pero parang duling naman itong dalawang 'to. I rolled my eyes and grabbed the magnifying glass from Clio's pocket. "Here, use this."

"Teka, pareho kayo ng magnifying glass ni Dude!"

"Tanga, sa kan'ya nga 'yan. Kinuha ko sa bulsa mo."

Literal naman na nanlaki ang mata nito at kumapa-kapa sa mga bulsa n'ya at tumingin sa akin ng hindi makapaniwala. "Bakit hindi ko 'yon naramdaman?!"

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon