ℳℯ𝓇𝓇𝓎 𝒞𝒽𝓇𝒾𝓈𝓉𝓂𝒶𝓈, 𝒫𝓊𝓇𝓅𝓁ℯ𝓈!
•••
Friyee's POV"Ay shit! Can you please look where you were going?!" Sigaw ko nang may nakabangga sa akin at malapit na sanang humalik ang katawan ko sa sahig.
Buti na lamang ay napigilan ko kaagad ang board ko. Napahimas ako sa tungki ng ilong ko at masamang tumingin sa kan'ya.
Hindi man lamang ako nito nilingon at dumiretso pa s'ya, tumigil ilang dipa ang layo at may pinulot na isang bagay na kulay pula. Jeez.
Naramdaman at narinig ko ang malalim na buntong-hininga nito bago lumapit sa akin. "Ikaw pala, Ms. Gordan! Sorry about that, I need to catch this thing." She said while lifting her hand but it was formed in fist. Not letting me see the 'thing' at all.
Nasa gilid na't lahat, akalaing mong nabangga pa ako. Hindi ko na naiwasang mapairap bago yumuko ng bahagya sa kan'ya, "Good afternoon, Ms. Luxir."
"Oh, kamusta nga pala 'yong kay Ms. Himes? Nahanap n'yo na s'ya?" Nag-aalalang tanong nito at talagang hinarangan pa ang daanan ko.
Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Not yet, miss."
"Ay ganun ba? Simula kasi kanina nang malaman ng lahat ang tungkol sa pagkawala nito ay malungkot na sila at hinahanap si Ms. Himes."
"Ganun agad kabilis ang balita?" Parang kanina lang ay sa room lang talaga namin naibalita ang pagkawala ng guro. Tsk. "Baka curios pa sila, pakisabi na madaming estudyante na din ang nawawala. Ganun ako kabait, pakisabi na din ay huwag silang magpanic, baka sila na ang susunod." Bakas ang sarkastiko sa tono ng boses ko.
"A-Ano?! J-Jusko, ano bang nangyayari dito? Ni wala pa nga akong isang taon sa Unibersidad na ito! Puro patayan at hanapan!" Hasik nito, mukhang mas matanda pa s'ya sa lola ni Leath ah. Grabe ang mga salita, tsk.
"Ano pa kaya ako na isang linggo pa lang." Bulong ko.
"Hay, ano bang mayroon sa Unibersidad na ito? Sana matapos na ito. Sana mahanap n'yo sila."
"Kung gusto n'yo ay kayo ang mag-hanap, tsk."
"Why are you so grumpy, Ms. Gordan? HAHAHA!"
"Eh sa binangga n'yo lang naman 'yong taong gusto ng kapayapaan at sobrang sabik na sa pagtulog, oo ayos lang ako. Gusto ko lang naman manapak ng isang guro." Pairap kong tugon.
"You're rude with your words." Naka-ngiti nitong komento.
"You're annoying with your actions." I crossed my arms and then yawned.
"Such a delinquent attitude." She whispered. "Anyway, Ms. Gordan. I would like to inform you about the Acquaintance Party."
"I already know about that."
BINABASA MO ANG
GAME OVER: The Mystery
Mystery / ThrillerWe solved mysteries. We are called the 'Young Detectives'. But what if, the biggest puzzle is me itself? Can we solve it? GAME OVER: The Mystery •MAGIC SERIES #5 ©All Rights Reserved.