GO:TM-9; 'Annoying'

257 18 13
                                        

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

"Problema mo?"

Tanong ko agad nung makarating ako sa lamesa na pagkakainan namin. Wala itong sinabi na ano man basta lang naka-titig sa akin. Really boy? What the hell is his problem?

"Oy Yee! Gangster ka ba?"

Tinaasan ko naman ng isang kilay si Clio bago maupo sa tabi ni Ethan. "Do I look like one?"

"Pwede din, ang lakas mo kayang manapak!"

"Eh kung ikaw kaya ang sapakin ko?"

Lumaki naman ang mata nito at biglang umayos ng upo, bumulong ito na umabot naman sa pandinig ko, "Sabi ko nga kakain na lang ako, baka masapak pa ako. Ang lakas pa naman."

Kinuha ko na lang ang isang plato ng Carbonara. Iyon lang kasi ang hindi pa nagagalaw. Kay Clio kasi puro fries, cheese sticks, Piattos at orange juice. Kay Ethan naman is salad. Halata at masasabi mo talagang magkaibang-magkaiba sila. 

Susubo na sana ako ng may biglang dumating, "Hey bro."

Napa-tingin ako doon, I mean lahat. Ano namang ginagawa ng Zach na 'to dito?

"Oh bro! Ano na nangyari sa nabugbog ni Yee? Morge na ba?"

"Tarantado hindi, Clinic pa lang. HAHAHA!"

"Wala kang kasabay kumain?"

"Oo sana, pwede bang maki-sabay?" humarap ito sa amin, "May I? Ethan? Friyee?"

And guess what? Syempre walang sumagot ni isa sa amin. Kumain na lang ako ng naudlot kong pag-subo. Umupo naman ito sa tabi ni Clio at nag-daldalan sila. Oh boy, maingay na naman. Kinuha ko ang phone ko at earphone. Isusukbit ko na sana sa tenga ko ng kausapin ako ni Clio.

"Nga pala, Yee. Si Zach Salamante, roommate ko." Isang simpleng tango lang ang ibinigay ko dito, bakit naman nasa dragon si Zach? Akala ko ba Phoenix sila? Ang gulo.

"What is Phoenix?" bulaslas ko na lang, ewan ko ba basta nacu-curious ako sa grupong iyon, na para bang kilala at narinig ko na sila dati.

Tumigil naman sila sa pagkain at napa-tingin sa akin.

"Uri ng ibon 'yon, Yee! Bakit 'di mo ba alam? Hala akala ko ba matalino ka?!"

Napa-himas ako sa tungki ng ilong ko at matalim na tingin ang ibinigay sa kan'ya. Pigilan n'yo ako makaka-sapak ako, kulang pa naman ang naging sapakan ko dun sa kanina.

"Aray! Dude naman!" singhal nito kay Ethan ng makita kong binatukan n'ya.

"A gang here in MU. We, I mean together they rule this University. Natigil lang nang biglang umalis si L." Tugon naman ni Zach, so kasama rin s'ya doon? k.

They Rule? Damn, they must be joking. Ano sila hari at reyna? or baka naman ang may ari ng MU. Well, pwede din naman. Pero kahit na, akala ko naman medyo matino ang MU. Ang gagaling ng mga technology tapos may history naman palang ganito chuchubels. Talaga nga namang behind every success merong mga kababalaghan.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon