GO:TM-33; 'The Red Fan' |Eager|

146 8 1
                                        

•••Friyee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Friyee's POV

Nangunot ang noo ko at bahagyang napatulala sa kawalan.

Let's make a deduction.

Halata namang dinala ni Vien ang tatlong babaeng 'yon papunta sa Higher chief ng gangster society.

May tatlong uri ng chief sa GS. Ang chief ang mga responsable sa paggamit ng pera. Ang high chief, nag-oorganize ng mga maaring gawing negosyo. It's either legal or illegal. Ang Higher chief naman ay ang tumatanggap. At ang Highest Chief ay ang nagpapatupad.

May tatlong sangay ang GS. Ang chiefs, captains, at ang low lords. Chief ang pinakamababa, ang mga captain naman ang nagbibigay utos sa mga nasasakupan. Ang Low lords ay ang mismong kamay ng Head Lord nila. Ang Head Lord ang pinakamataas sa larangan ng gangsters. Ang kinatatakutan ng halos lahat. At kilala din sa bansag na underground master. Yes, the one I've encountered at Late night.

Tumunog ang phone ko, kinuha ko naman iyon at nakita ko ang files na sinend ni Leath.

At habang binabasa iyon ay nakumpirma ko nga.

Si Iris ang lider ng isa sa mga mataas na ranggo sa GS. May apat na miyembro kabilang na s'ya. Kilala sa tawag na 'The Killers'.

Lagi silang nasabak sa labanan upang maka-ipon ng malaking pera. Ang daming record pero sa ibang bansa iyon at bihira dito sa Pilipinas.

Dito pa lang ay sapat na ang naisip kong gusto n'yang gawing organisasyon ang gang n'ya. At si Ms. Moore, ang pamangkin ni Sado.

Tantya ko na mataas ang kapalit na halaga noon. Pamangkin ng isang pinakamatalinong scientist na nasa MU. Malaking kapalit iyon kung sakali mang gawing ransom, or pwedeng mapakinabangan ang katalinuhan at nalalaman n'ya para sa paggawa ng iba't-ibang armas o kung ano pa man.

At ang hindi ko sigurado ay bakit sina Jhamie at Chaira? Pwede namang itong tatlo.

Isang basketball varsity, kailangan ng MU para manguna sa larangan ng sports. Pati na din ang sa Volleyball. At kung 'yong guro naman, umm. Ewan ko. Siguro may katayuan din ito. Malay ko bang mamaya ay by ranks din ang mga guro na parang sa system ng buong MU. Hierarchy kuno.

Pero kanina ay sinabi nilang kumpleto sila. Siguro sila ay kabilang sa nine circles of Hell.

Kung sa unang pagkikita namin ay naging mahina sila sa paningin ko, maaaring isa sa kanila ang Fraud at Treason.

Tama, dahil aakalain kong Anger sana si Chaira pero alam kong si Faire 'yon.

Si Jhamie na masyadong positibo at palaging nangiti, maihahalintulad sa panloloko, deceiving. O sa madaling salita, s'ya ang Fraud.

Si Chaira, halos parehas lang kay Jhamie pero parang hindi din. Kakaiba ang bait nito noong una kaming nagkita pero ngayon grabe na ang galit kung makikita mo ang kan'yang mata at kilos. Betrayal. S'ya ang sa Treason.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon