Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
Black's POV
Umikot ang mata ni Fri at inis na napa-hilamos sa kan'yang mukha. Naiinis s'ya dahil bwisit na pagod na s'ya at gusto na n'yang humiga. Sa hinaba-haba pa naman ng nilakad n'ya, tagaktak na din ang pawis sa tindi ng init.
Hindi nito nilingon ang nagsalita, sa halip ay umupo sa sahig at walang ganang pinatong ang kan'yang ulo sa kan'yang kamay.
Tinitigan n'ya na lamang ang bangkay at lihim na sinisisi ito, 'Wrong timing naman pagkamatay mo ate, talagang dinamay mo pa ako. Gusto ko lang naman makarating sa pupuntahan ko at hindi ang madamay sa kung ano mang nangyari ngayon. Bwisit.'
Ini-abot n'ya ang kan'yang maleta at bahagya itong pinahiga. Matapos gawin ay humiga din ito at ginawang unan. Pumikit at dinama ang kapaligiran.
Napa-mulat s'ya ng maramdaman ang paglapit sa kan'ya, ng nasa bandang gilid n'ya na ito ay muli s'yang pumikit.
Batay sa sapatos na suot at sa slacks na kan'yang nakita ay nakumpirma n'yang lalaki ito.
Tumitig naman sa kan'ya ang lalaki na naka-kunot ang noo. Nagtataka ito na sobrang kalmado ng babae knowing na may bangkay sa harapan n'ya at naging suspect siya. At idagdag mo pa na nakuha nitong humiga na para bang walang nangyayari.
Mula sa ayos nitong simpleng puting shirt at pantalon, sa salamin na suot ngunit wala namang lenses, sa itim na panyong nakatali sa wrist n'ya, at sa sumbrero nitong sinakop ang buhok n'ya na tila ba itinatago sa mata ng lahat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nilagpasan s'ya nito at tinungo ang bangkay, sinuri bago bumalik muli sa tapat ni Fri.
"Who are you?" Tanong ng lalaki sa malamig na tono.
Dahil doon, nagawang mag-mulat ni Fri at sinalubong ng kan'yang asul na mga mata ang kulay kapeng mata ng binata.
Pinasadahan n'ya ito ng tingin, matangkad, naka-uniporme, itim na medyo magulong buhok, may kasingkitang mata, matangos na ilong, ma-ala rosas na labi at mapuputing balat.