"Let's have lunch?" Pag-aya ni Ryker. He wants me to call him 'Kuya' but I don't want to. Magkaedad lang naman kami.
"McDo! McDo! McDo!"
"McDooo!"
Natawa na lang sila sa suggestion ng mga anak ko. Namana ata nila sa mga gago na nasa Pilipinas ang pagiging McDo lover e.
Bubuhatin sana nila Ryker at Ruiz yung mga anak ko pero 'di sila umalis sa tabi ko. Hinawakan lang nila ang magkabilang kamay ko. Mas gusto nila akong kasama na maglakad kaysa magpabuhat sa mga tito nila. Aba dapat lang na maglakad, sayang naman ang pagtuturo ko na palakarin sila. Mabuti nga hindi ko sila pinagulong.
"Walk, Baby Zaire." Hawak ko sa dalawang kamay ko ang babae kong anak at tinutulangan itong maglakad papunta sa kambal na gumagapang lang sa lapag. Gusto ko sana parati lang silang sabay na kahit ano mang bagay pero kahit anong pilit ko mukhang malabong mangyari.
Sa pagkakataon pa nga lang na ganito, nahihirapan na ako dahil mag-isa lang ako. Kailangan salitan ko silang turuan para matuto na sila maglakad. Although they're just turn one a weeks ago at simula pa ng months old pa lang sila, nung sinabihan ako ng doctor na puwede na sila turuan maglakad ginawa ko na. Kahit mahirap ipagsalitan.
Hindi pa man kami nakakalapit kay Zech ay umiyak na ito kaya ang ending kinarga ko na lang si Zaire at nilapitan namin ang kambal niya. Nang makalapit kami tumigil na sa kakaiyak. Parang attention seeker ata ang isang anak ko na ito.
Ilang minuto lang dumating na si Ryker, tuwang-tuwa naman ang mga anak ko. Kasi akala nila Daddy nila iyon kahit hindi naman. Ngayon pa lang na maliit sila alam ko na hinahanap na nila ang kanilang ama paano pa kaya kapag lumaki na sila at nagka-isip? Sa parte ko ipapaliwanag ko naman na may tatay sila at hindi ko sila ipagkakait sa tatay nila basta ba nasa tamang panahon na.
Pinagtulungan na lang namin ni Ryker na turuan ang dalawa na maglakad since ayaw nila matulog at maglaro.
"Come here babies." Tawag sa kanila ni Ryker, agad naman lumapit sakanya ang dalawa kasi naglabas ito ng lollipop na may pumuputok sa loob. Tuwang-tuwa naman ang kambal kaya nakalimutan nila na saakin dapat sila sumama.
Basta kasi candy e, tuwang-tuwa na sila, pero hindi ko tinotolerate iyon. Masyadong hindi maganda sa kakusugan lalo na't bata pa sila. Mabubulok na ang ngipin, tataas pa ang sugar nila. Hindi naman ako OA, sadyang sinasabi ko lang ang mga bagay na may katotohanan.
"Ryker! Sabi ko naman sayo, huwag mong sinusuhulan ang dalawa na iyan ng mga kendi. Mabubulok ang ngipin nila!" Pag-protesta ko sakanya pero huli na kasi kinakain na ng kambak yung candy. Napabuntong-hinga na lang ako.
"I told you call me Kuya." Inirapan ko siya.
"Kuya mo mukha mo."
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse na dala nila. Yung SUV ni Ryker ang gamit nila, para siguro magkasya talaga kami. Kasi nakikisabit lang itong si Ruiz, if I know iniwan niya sa bahay ang sasakyan niya para lang makasabay kami sa iisang sasakyan. Masyado niya kasing mahak ang mga ko an para siya na ang tatay, kaya ayaw mahiwalay sa mga ito. Well, actually silang dalawa.
Mga nagfi-feeling tatay.
Si Ryker na lang ang pumila ng makarating kami sa McDo. Alam naman niya ang ioorder noya kahit hindi namin sabihin. E pano ba naman suki na ata kami ng McDonalds at kanilang Happy Meal e.
Ang target lang namin sa happy meal ay yung laruan na hindi naman nilalaro ng kambal. Titignan lang nila ito ng mga ilang araw at ayaw na nilang makita. So, we ended up donating their McDonalds toys to a charity kasi madami na talaga, nakaisang medium size na karton na ata kami nun.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
Fiksi UmumAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...