CHAPTER 10

130 8 0
                                    


AGUEDA LOUCIANNE IZABELLE

Nakakaproud na naubos ko yung pagkaing nilagay niya. Hindi dahil siya yung naglagay nun at nagluto kaya ko inubos, naisip ko kasing maraming nagugutom na tao ngayon at bawal magsayang.

Umakyat ako pagkatapos, doon naabutan ko siya. Nakahiga lang sa mahabang sofa na nakalagay sa kwarto niya. Alam niyo ba kung ano ang ginagawa niya? Nagsosolve lang naman ng isang mind game habang nakahiga. Maya-maya pa umupo na lang siya, baka narealiuze niya na magkaka stiff-neck siya ginagawa niya.

"Lock the door." utos niya na sinunod ko naman agad.

Sa totoo lang, hindi naman ako uncomfortable sa ganitong situation. Yung kayong lang dalawa sa loob ng kwarto. Hindi naman ako pinanganak na assuming ‘nonoh, at alam ko wala naman siyang gagawin saakin.

"And please change your shorts into pajamas." sinabi niya yun na parang yung hawak niya ang kinakausap.

Humiga na lang ako sa kama niya na kasing amoy niya grabe ang bango. Siguro kaya kong singhutin ang amoy niya dito.

"Hoy, babae. Sabi ko sayo magpalit ka ng pajamas." muling sambit niya. Ako pala ang kinakausap niya. Hindi halata.

"Wala akong dalang pajamas." sagot ko na lang. Totoo naman kasi, wala akong dala na damit na pantulog.

"Tsk. Mayroon ako diyang sweatpants. Magpalit ka." basta na lang niya tinuro yung cabinet niya. Nakatutok pa din siya doon sa nilalaro.

Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko. Aware naman talaga ako sa tigas ng ulo ko. Paulit-ulit ko na yan sinasabi.

"Bakit ba ha?"

Finally, sumulyap na din siya kahit papaano.

"I-It's intimidating..." he said that in almost whispered. Naawa naman ako sakanya kaya nagpalit na lang ako. Kung ako lang wala namang kaso kung ganito suot ko pero parang may pagkaconservative ang style niya pagdating sa mga babae.

Okay naman na ang lahat natulog na ako, iniwan siyang nakaupo doon habang naglalaro. Hindi ko na inisip kung hanggang kailan siya maglalaro nun.

Kinaumagahan, like I promise. Aalis kaagad ako. Nagising ako na nasa tabi ko siya, hindi naman yung tabi na as in parang magkadikit na. May malawak na space sa pagitan namin at puno pa ng unan. Bumangon ako at nagpalit ng damit.

Bumaba ako para magluto ng agahan niya. Nakakahiya naman kasi kung wala akong gagawin right? Pinagluto na nga ako ng hapunan tapos wala lang akong gagawin? Legit yung hiya.

Nagluto lang ako ng fried rice, egg tapos vegetable salad. Syempre hindi kumpleto ang breakfast kung walang coffee. Nag-iwan ako ng note sa tabi nun at umalis na.

Nagpasundo ako sa driver namin, mabuti nakuha naman niya yung sinabi ko kahit walang exact address siguro nakapunta na siya dito. Pagkarating ko sa bahay si Manang Hulya kaagad ang sumalubong saakin. Pinagpasalamat ko na lang at wala siyang madaming tanong na baon ngayon. Sermon lang.

"Hay naku ka talagang bata ka! Tumawag saamin yung Doctor mo. Pumunta ka daw doon nagpacheck-up ka daw dahil parati kang nahihilo. Kung hindi ka ba naman tanga sana inuubos mo yung mga pinagluluto ko para saiyo..."

"Wow. Manang. Grabe ka naman. Yung tanga talaga eh." pagpuputol ko sa sasabihin niya. Putak pa din ng putak yung bunganga niya hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay.

"Ilang ulit ko na kasing sinabi sayo na walang mabuting maidudulot ang pagda-diet mong yan." hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi niya. Daig niya pa yung nanay ko kung manermon.

"Punta lang ako sa taas, Manang." paalam ko. Paakyat na sana ako ngunit hinila niya ako sa damit. Na out of balance ako kaya natumba ako, hindi naman ako pumayag na ako lang kaya hinila ko din siya para pareho kaming natumba. Masama ang tingin namin sa isa't isa pero kalaunan tumatawa-tawa na kami. Tumayo akong una, bago siya tinulungan na tumayo.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now