PROLOGUE

922 18 0
                                    


Nakatingin lang ako sa mga taong kumakain sa paligid ko. Nandito ako ngayon sa paborito kong kainan na malaman ang inasal, mura at may pa unli rice, namumulubi na kasi ako. Sa isang buwan kasi isang beses lang ako nakakakain dito, sulit naman kasi halos makasampung kain ako. Pero ngayon naiinis ako kasi kanina na pa ako taas nang taas ng kamay para sa pangatlong kanin ko hindi ako pinapansin nung mga waitress.

"ATE, KANIN DITO!" pasigaw na sambit ko nung makita na lumabas ang isang waitress na may dalang bagong balde ng kanin.

Alam ko narinig niya ang sinabi ko dahil nakita ko ang pag irap niya at binalewala ako, nagtungo siya dun sa bagong dating na grupo ng gwapong kalalakihan. Nakaorder na sila pero hindi ba nauubos nag kanin sa inorder nila. Kung puwede ko lang hilain ang buhok ni Ate ginawa ko na mukha kasing kinikilig pa siya, namumula kasi ang pisngi na hitik sa blush-on. Makapal din ang lipstick niya sa labi. Hindi na maganda tignan.

Tatlong lamesa ang layo nila sa lamesa ko kaya naman kitang kita ko si Ateng na kulang na lang kumbulsyunin sa kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa mga lalaking mukhang Bench Model.

Kahit ako naman ay kikiligin din pero mas importante ang kanin ko ngayon. Kalahating oras na ako naghihintay na bigyan ng kanin, mabuti nga't hindi ko sila pinapasok sa kusina nila.

"Dito lang ako nga pogi. Ako ang maglilingkod ng inyong kanin..." narinig ko ang mahinhin na sabi ni Ateng waitress. Tumayo ako para puntahan siya, nawala kasi ang tatlong kasamahan niya pa. Maliit lang kasi ito franchise lang ng Chicken Deli.

"Pst. Ate, kanina pa po ako humihingi ng kanina sa inyo, hindi niyo ako pinapansin. Samantalang sila hindi naman kailangan ng kanin pinuntahan mo" I crossed my arms and raised a brow. Nagugutom pa ako at nilamigan na din ang inasal ko.

Bingi kasi 'to!

"Neng, nakatatlong kanin ka na. Tama na yun. Tataba ka na niyan. Sige ka!" hindi ko mawari kung pinupuri ba niya ako o ininsulto, pero wala aklng pakialam. Tinawag pa akong Neng, ang ganda ganda kaya ng pangalan ko para tawagin niya lang akong Neng.

"Wala akong pakialam! Mas maganda pa rin ako sayo kahit tumaba ako!" I fired back.

Kung hindi niya alam isa't kalahating kanin pa lang naman kasi ang nakain ko. Yung pangalawang serve kasi nila kalahati lang yun. Kaya nainis ako, ang tagal pa nila akong bigyan ng panibago.

Tinignan ko yung apat na lalaking kumakain, mukha silang wlaang pakialam pero narinig ko ang paghagikhik ng isa sa kanila.

"Siya sige. Bibigyan kita pagkatapos kung bigyan sila pogi... Balik ka muna sa upuan mo Neng." I groaned.

"Tangin*ng yan!..." napamura tuloy ako. "Kalahating oras na ako naghihintay sa kanin tapos paghihintayin mo ulit ako? Anong oras pa ako makakatapos ng pagkain niyan?" dugtong ko pa.

She forced a smile. Mukhang nairita na siya saakin. Wala siyang magagawa costumer ako dito.

"Sana nag-saing ka na lang sa bahay niyo at doon kumain..." narinig ko ang bulong niya.

Hinablot ko sa kamay niya yung balde na may kanin. "Hindi na kailangan Ate may kanin naman na dito." nginisian ko siya at tinalikuran pabalik sa upuan ko.

Tumutunong pa yung takong ko sa bawat lakad ko. Tumakal ako ng isang cup ng kanin at nilagay sa plato ko. Binalik ko din kay Ate yun pagkatapos ko. Mukhang iiyak na kasi siya.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now