Sumalubong saamin ang buong barkada nila Seph, kahit na si Wen kasama dun. Hindi ko alam kung sino ang nag-inform sakaniya na uuwi ulit kami and I feel guilty kasi nung last three-days visit namin dito hindi ko man lang siya nabisita kahit kasama na yun sa plano ko. Si Ryker at si Ezzy lang ang wala.
Bukas na ang birthday ng kambal at ngayon ay hapon na. Hindi kasi nakakuha ng pang-umaga na flight namin si Seph kaya hapon na lang. Napaparty din kami kahapon sa New York kaya pabor na din na hapon ang flight namin.
Wala naman na akong ipagalala para sa party bukas kasi may party organizer sila na kinuha. Sa sobrang yaman na siguro nila ang mga barya barya nila ay nappunpunta na lang sa mga anak ko pero hindi iyon literal na barya, siguro mga sampung libong peso ang barya para sakanila.
Hindi ko alam kung anong theme ng party ang inorganize nila pero sabi ko lang sakanya na gusto ng mga anak ko na neutral lang ang color.
"Yun oh. Mabuti hindi scam angpagdating niyo," saad ni Seph ng papasakay na kami sa van na gamit nila. Isang sasakyan kanga ang gamit nila ngayon at buti na lang van kaya kasya naman kaming lahat.
Katabi ko si Wen sa kabilang side na hindi matigil sa kakakuwento, sa kabilang side naman ay ang mga anak ko na nanguusisa ng mga tao dito sa loob ng van.
"Tanga ka kasi. Nakita mo ng alas singko pa ang paglapag nila, alas tres pa lang nag-aantay ka na sa airport. Mabuti na lang hindi ka namin sinamahan mag-antay ng alas tres." Pambabara sakanya ni cylix at nagbangayan na sila.
Tinignan ko ang phone ko ng may mareceive akong text message.
Unknown Number:
Stay safe, Cazador.
Yan lang ang message pero alam ko na kay Gerente galing iyon. Nagpanic ako sa loob-loob ko pero hindi ko na iyon ipinahalata sakanilang lahat hanggang sa makarating kami sa bahay ni Ryker na nag-aantay pala saamin doon.
Bago pa man ako makapasok ng tuluyan sa loob napansin ko na may kausap si Seph at parang narinig ko ang pangalan ni Ezekias kaya naisipan ko na mag eavesdrop muna.
"Attorney prii... Ano? Oo na. May sinundo lang kami sa airport e... Miss mo na agad ako." Pang-aasar niya. Cringe.
"Nandito kami kila Zackrey... Punta ka na lang dito. Huwag ka na pa special, ikaw pumunta dito... Ahw. Kawawa naman under si Attorney... Bahala ka sa buhay mo. Gago!" Nang ibaba niya ang tawag dali-dali akong pumasok sa loob at sinundan ang mga anak ko na mariing nakikinig sa mga usapang tagalog na hindi nila maintindihan.
May nakahain an pagkain sa mesa kaya kumain na kaming lahat at pagkatapos hinayaan nila kami na magpahinga sa kalagitnaan ng pagtulog ko nakaramdam ako ng uhaw kaya nagising ako.
Hindi pa man ako tuluyang nakakpasok sa kusina may narinig na akong ingay kaya parang automatic na naghanap ng pamalo ang mga kamay at nakuha ko isang walis at dahan-dahan pumasok. Aba malay ko ba na kahit sobrang walang buhay ang bahay na ito ni Ryker ay mananakawan rin pala.
"Prii, uwi na tayo. Hindi naman 'to bar para magpakalasing ka."
"No! Nag-iisip pa ako."
Natigilan ako sa paglalakad at nagtago pa ako sa may ref. Parang kilala ko kubg sino ang nag-uusap usap.
"Villamayor, go home! Kung ano man ang problema mo huwag ka dito mamroblema. May mga taong natutulog na sa taas."
"Attorney, prii, kung gusto mo dito na lang tayo matulog."
"Tama na yan. Kapag kumuha ulit yan ng bote, suntukin niyo na para makatulog."
"No way! Umuwi kayong lahat! This isn't a free house for y'all!"

YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
General FictionAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...