Lahat kami natigilan, kahit ang dalawa kong anak, nakatingin sa kanila. Kahit nakaupo ako, ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko.
Nagdadasal ako na sana wala na, wala nang susunod na papasok, kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pa ako handa. Ang inaakala ko na tahimik na pagbalik namin, kahit dito lang sa bahay ni Ryker, ay purong akala lang pala.
"A...Agueda?" si Seph, gulat pa din. Nakaawang pa ng ang bibig at nanlalaki ang mata. Ganun pa din siya, OA pa rin magreact.
"L-Loucianne?" si Cylix.
"Izabelle?" sabay si Jos at Ralph sa pagsabi.
"Castro?" napairap na ako. Kahit kailan talaga.
Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa din masabi kung may nagbago sakanila, kasi parang bukod sa looks nila ay wala na. Gago pa rin ang ugali e.
"What the hell on Earth are y'all doing here?!!" Pagsigaw ni Ryker. Napatayo pa siya sa kinauupuan.
Dahil doon ay parang natauhan sila. Nagpabalik-balik pero ang tingin nila sa isa't-isa at pabalik saakin.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na, pinipisil-pisil ni Seph, hanggang sa nakayakap na ako sakanya.
"Seph?" tawag ko ng maramdaman ko na medyo nababasa na ang damit ko sa balikat. Yumuyugyog din ang balikat niya. Parang umiiyak siya.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko para makasiguro pero hindi siya nagsalita. Doon lang siya sa posisyon niya pero alam ko umiiyak siya.
Ahw. Parang naging cry baby na siya.
"A-Agi...masaya akong nakabalik ka na." Pagkasabi niya nun umalis na siya sa pagkakayakap saakin. Parang bata niya na pinunasan ang ibaba ng mata niya dahil sa luha.
I smirked.
"Wala ka pa ring pinagbago, Seph. Pero bakit naging iyakin ka na ngayon?" I chuckled. I was just teasing him pero bigla na lang nagseryoso ang mukha niya.
"Arayyyy!" Biglang bulaslas niya. Hindi ko alam kung ano nangyari, pero nakahawak siya sa may puwet niya.
Tapos nakita ko si Zech, may hawak siyang tinidor, medyo nakangisi pero naalis din iyon kaagad at nagkunwari na kumakain pa din.
"Anong nangyari sayo prii?" natatawang tanong sakanya ni Cylix.
"Gago prii, may tumusok sa puwet ko. Gago." Bulaslas niya. Hindi niya pa din nakikita si Zech, pero itinuro ito ni Jos kaya nilingon niya.
"Aba gago a. Kaninong anak 'to? Ba't nanunusok ng puwet." Hawak niya na pa din ang puwet niya pero nakatutok na ang mata niya sa bata, actually lahat sila pwera lang kay Caleb, na may katext.
"Your damn mouth, Buenaobra!" Sigaw sakanya ni Ryker kaya natahimik siya, pero nakatingin pa rin siya kay Zech na hindi naman na siya tinapunan ng tingin kasi pinaglalaruan na ang pagkain.
Kung sa ibang pagkakataon ito ay pagsasabihan ko na siya pero hindi. Pinagpapasalamat ko na hindi siya lumilingon o kaya tumitingin kay Seph kasi kapag nagkataon, maari nilang malaman.
Ang parehong mata kasi nila ay pareho kay Ezekias. Gray intimidating and dashing eyes, pero mas kuha ni Zaire ang features ni Ezzy, at kalahating ako at siya ang mukha ni Zech.
"Manang, pakisabihan yung mga guards sa labas na may kailangan silang ligpitin dito. Salamat." Okay. Naiinis na si Ryker. Nagtagalog amp. Nasa intercom lang siya nagsalita kaya hindi niya na kailangan pa sumigaw. High-tech nga pala talaga ang bahay niya, akalain mo yun may intercom. Grabe.
"Teka. Teka lang. Kaninong anak ba ito?" Naguguluhang tanong niya. Nagpalit-palitan pa sila ng tingin pero Ryker distracted them.
Just in time, pumasok na iyong mga guards na kanyang pinatawag, pito lang sila at isa-isa nilang hinawakan sila Seph, kaya nalayo na siya saamin. Pero mayroon pa ring kuryosidad sa mga mata niya, alam ko naghahanap siya ng sagot sa tanong niya kanina. Hindi ako makapagsalita. Kahit si Caleb na ay hinawakan nila, wala naman ginawa yung tao kundi makipag-text.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
General FictionAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...