AGUEDA LOUCIANNE IZABELLE
Dali-dali akong lumabas ng kwarto na tinulugan ko ng marinig ko ang iyak ng anak ni Melixa, si Miggy. Lumapit ako sakaniya para patahin siya pero pakiramdam ko parang may mali. Parang ang dami-daming nakatingin saakin.
Nagulat na lang ako ng lumingon ako nakakita ako ng limang lalaki na nakatingin saakin, pero yung isa sakanila parang fake lang. Puro nakaawang ang kanilang mga bibig. Hindi. Mali. May isa sakanila na seryosong nakatingin saakin. Si Attorney,... Murderous ang tingin niya saakin nakakatakot.
Napakamot ako sa batok bago sila binating lahat.
"Heheh. H-Hi?" awkward akong nagsmile at nagwave sakanila. Kasi tanginaena. Wala akong kilala sakanila at hindi ko alam kung nasaang lugar ako sa mundo. Feeling ko tuloy kinidnapped ako ng mga nagga-gwapuhang mga lalaki. Ang bait-bait talaga saakin ni Lord. Isa lang naman hinihingi ko pero madaming dumating, feeling ko tuloy kukunin na niya ako anumang oras. Joke lang. Hindi pa puwede, magpakasal pa kami ni Attorney uyy.
"Maari ko bang malaman kong ano ang iyong pangalan, magandang dilag?... Kung iyong nanaisin maari na tayong magpakasal." formal na tanong ng isa sakanila. Sasagutin ko na siya kaso mukhang natauhan si Seph kaya binatukan niya ito. Actually, silang tatlo, hindi kasali si Attorney. Nakatingin lang ito ng diretso saakin, tinignan ko naman siya pabalik.
I want to know kung ano ang nasa isip niya. Hindi naman ako mind reader pero baka sakali lang naman. Nagtatagisan na kami ng tingin ngayon, bigla niya akong tinasaan ng kilay. Nadidinig ko naman na nag-iingay na ang iba pa nilang mga barkada.
"Bakit ganyan ang suot mo?" biglang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa pagkalito.
"A-Anong suot?" taka kong tanong. Yung mga tropa niyang nag-iingay ay parang wala lang saamin.
Dinaanan niya ng tingin ang buo kong katawan, so do I. Malamang, baka kung ano na ang mahalay ang kanyang iniisip. Chos. Noon ko lang narealize na yung suot kong blue satin dress ang pinoproblema niya. Kanina kasi paggising ko, naghilamos ako sa banyo at aksidenteng nabasa ng tubig yung suot kong mom jeans at sleeveless cotton shirt ko. Parang nasira ko yata yung kakaibang faucet kaya nabasa ako. Hindi ko naman kasi alam kung papaikutin ko ba para mabuksan o hihilahin pataas, hinila ko na lang pataas pero mali pala yun, kaya yun. I am so dumb. Since ayaw ko naman na lumabas na ganoon, nangialam na ako sa gamit na nasa kwartong iyon. Puro maliit na, hindi kasya saakin pwera na lang itong suot-suot kong satin dress. Mabuti nga nagkasya.
"Ang tawag dito, satin dress." tinuro ko pa yung damit ko.
Nagulat na lang ako ng may biglang bumungad sa harapan ko, isa sa mga barkada nila. Nagpakilala siya.
"I'm Cylix Conory and you are?" naglahad pa siya ng kamay, agad ko naman yun inabot at nagpakilala din.
"Agueda Castro." simple lang na pagpakilala ko. Hindi naman required na alam nila yung buong pangalan ko.
Ngumiti siya at sabay sabing, "Nice to meet you." ngumiti na lang din ako pabalik. Napansin ko na parang foreigner siya, iba kulay ng mata niya e.
Hindi pa nga nakakaalis si Cylix may dalawa ng nagtutulakan sa harapan ko.
"I'm Ralph. Nice meeting you." ngumisi pa ito. Oh my ghadd! He's so damn hot-looking even with those eye-glasses.
"Jos. I'm bi. It's nice meeting you, Agueda." siya yung tinutukoy kung parang fake lang. Nakikita pa din kasi ang kagandahan niya kahit nakapang-lalaking gupit siya. Kung iniisip niyong kalbo siya pwes hindi, parehas ata sila ni Cylix ng haircut.
"Sabi na nga ba. Ang ganda mo, Jos." napakamot na lang siya sa batok niya. Ayaw niya yata ng compliment na ganun. Bahala siya, basta para saakin maganda siya, para lang kasi siyang model na nagpaboy cut. Tapos may maliit pa siyang silver earing sa left ear niya.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
General FictionAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...