Sunday.
I am wearing a satin bodycon dress that hugs perfectly my curved but have a loose neckline. I put on a light make-up and jewels then stilettos.
Nang matapos ako bumaba na ako, wala naman naghihintay saakin kasi I made a deal kay Attorney na magkikita na lang kami sa isang restaurant tapos sabay na lang kami pupunta doon pero hindi niya totally alam kung saan talaga kami pupunta.
Natatakot ako. Ni hindi nga ako makatulog kagabi dahil sa letseng Mr. Ruiz na yun. He knows very well how to trigger me.
Sumakay ako sa kotse, hindi naman ako ang magmamaneho 'no magpapahatid lang ako kay Manong kasi ayoko naman na may date kami ni Attorney tapos magkahiwalay ang sasakyan? Parang tanga lang?
Nakarating ako sa McDo, just like he requested. Mayroon daw kasi silang kainana ng mga tropa niya dito. Paborito nga talaga nila ang McDo, nagtataka ako bakit hindi na lang Jollibee e, mukhang parehas lang naman ang lasa ng chicken. Mas masarap nga lang spicy.
Inis naman kasi si Attorney. Yung damit ko pangmamahalin na restaurant ang date pero napunta sa fastfood chain kaya pagpasok ko pa lang, may tumitingin na saakin. Tinataasan ko pa sila ng kilay kahit hindi masyado kita kasi nakasuot pa ako ng shades, hindi naman kasi ako lalabas sa arawan ng walang ganun.
Masakit sa mata ang mga nakakasilaw pero si Attorney nakakasilaw lang hindi masakit sa mata pero masakit sa puso.
Nang makita ko yung table kung nasaan sila, agad kong ibinagsak ang dala kong sling bag doon. Mga walanghiya! Tawa sila ng tawa pati si Ezzy mukhang nakalimutan ang lakad namin. Mga bad influence talaga barkada niya, minsan.
"Yow, Agi. Ba't nandito ka?" tanong kaagad ni Seph ni tinaasan ko lang ng kilay kasi nakatingin langa ko kay Attorney sa ilalim ng shades na suot ko.
"Hindi ikaw pinunta ko dito kaya huwag ka na magtanong." sagot ko sakanya. I made it sound natural but it turned out sarcastic, na medyo galit.
Napahawak siya sa dibdib niya ay marandaming tumingin saakin. "Ay ba't naman ganun? Galit agad?"
"Lunes na lunes, init ng ulo natin ah. Baka hanggang isang linggo na yan." sinundan siya ni Cylix.
Mga gago talaga.
Bago pa ako makarinig ng sunod-sunod na pang-aasar ay nagsalita na ako para patayuin si Attorney.
Late na kami sa org. meeting. Lagot ako kay Gerente baka wala na kaming abutan doon.
"Ezekias, tayo na! Alis na tayo!" pasigaw ko pero hindi ganun kalakas kasi nay hiya pa naman na natitira saakin. Ititira ko pa yun para mamaya kay gerente.
He cleared his throat and loosen his tie a bit. Siya lang sakanila ang nakaformal attire ngayon, naka t-shirt lang kasi sila tapos siya naka suit pa. Well, mas gusto ko naman na ganun ang style niya.
"Hala! Mga prii galit nga! Badtrip ka?"
"Shh. Mukhang may LQ sila."
"Alis na lang tayo?"
Nagtatalo pa sila dahil doon pero tumayo na si Ezzy at dali-dali akong nilagyan ng itimi na cap sa ulo. Inismiran ko siya. Nasisira yung style ko. Wala talaga siyang alam sa style.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Kaya ko naman maglakad!" reklamo ko ng bigla niya na lang akong kaladkarin palabas, ni hindi ko na nga natanggal ang sumbrero na sinuot niya saakin.
Paglabas namin ng fastfood chain agaran niya akong dinala sa parking lot kung nasaan ang kotse niya at pagkapasok namin mabilisan niya iyon pinaandar.
"Hoi! Magsalita ka nga kung ano ang problema mo. Ba't bigla ka na lang nagkaganun?" tanong ko bigla.

YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
Genel KurguAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...