CHAPTER 30

109 5 0
                                        

Naalimpungatan ako sa pagtulog ng may maramdaman akong parang nakadagan at parang kinurkurot ang lahat ng katawan ko. Pagbukas ko ng mata ko nakita ko ang mga anak ko na tila pinaglalaruan ako. Nakadangan sila saakin at kung anu-ano ang ginagawa saakin.

Ginugulo ang buhok ko, pinipindot ang ilong ko, kinukurot ang balat ko, kinakagat ang tenga ko. Nangunot ang noo dahil hindi ko malaman kung bakit nila iyon ginagawa saakin.

"Wake up! Wakeeee up!"

"Mommy, Mommy wake up. Wake up!" pagkanta nila habang patuloy pa din nila akong tinoturtore.

"Wake up! Wake up! Wake up! Wake up!" paulit-ulit nila.

I hold their hands, nasisimula na akong makaramdam ng sakit dahil sa ginagawa nila. Kung sa ibang pagkakataon ito, malamang nasampal ko na sila at binulyawan pero hindi e, mga anak ko sila at hindi man lang ako naiinis sa ginagawa nila. I found it cute.

"Stop Babies."

"She's awake!" pagtili ni Zaire kaya napatakip sa tenga niya ang kanyang kambal. Ohghad! I can say nagmana sa boses ko itong si Zaire.

"Shut up!" bulyaw sakanya ni Zech. Mukhang naiirita talaga sa boses niya. Inulit-ulit pa kasi ni Zaire ang pagsabi ng; "She's awake!" habang nakaupo sa tiyan ko na tumatalon.

"Why are you doing this ha?" Tanong ko sakanila at umupo sa kama bago sila kinandong sa makabilang hita ko. Hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako sa sala.

They chuckled. "To wake you up!"

Nangunot ang noo ko. Parang ngayon lang nila ako ginising a. Usually ako gumigising sakanila pagkailangan ko na pumasok sa work at magpapaalam lang sakanila.

"What for? Am I overslept?" Okay hindi ko alam kung naiintindihan ba nila ang sinasabi ko.

They shake their heads and whimped. "Flight! Philippines!" Sabay pa talaga nilang sigaw at tumalon-talon na.

Napatampal ako sa noo ko habang umiiling. Akala ko makakalimutan nila ang sinabi ko sakanila na uuwi kami ng Pilipinas at nung sinabi ko iyon sakanila, sobrang excited nila na gusto ng sumama kay Ryker pauwi pero hindi ako pumayag kasi dapat saakin sila sasabay. Kapag excited sila ay hindi talaga sila nakakalimot at iyon ang nakalimutan ko.

"You're sick, Zech and that means we can't travel okay?" Paliwanag ko sakanila. Sinabi ko kay Zaire na masakit ang ulo ng kambal niya kasi parang naguluhan siya sa sinabi ko.

Umiling-iling si Zech. Nagpo-protesta. "No, Mommy. Not sick anymore.. I want Philippines! Hmp!" Ayy attitude.

I sighed. Anak ko nga talaga siya, hindi naman spoiled brat, pero kuhang-kuha niya ang pagiging suplado mas suplado pa siya kaysa sa kapatid niyang babae.

"No, Zech. You listen to me, I'm your mother and I know what's the best for you. I talked to your Uncle Ry already and he's fine with that."

"Mom, he called and me and Zaire slide the button and we said hello and we said we want to go there and he's so happy and he even asked if I'm okay, I said yes and then he told us that it's fine to travel because I'm not sick anymore." Nanlaki bigla ang mata ko. Paano nila nalaman na tawag iyong sa cellphone ko? At paano nila nalaman kung paano sumagot nun? Alam ko matalino sila pero tatlong taon pa lang sila. Pero hindi na ako magdududa kung sila rin ang may kagagawan ng ibang mga phone calls na hindi ko nasasagot at hindi ko alam na tumawag pala ang tao na yun.

"Flight is 10 o' clock, Mommy. We need to hurry or else the plane will fly already." They urged. Wala na talaga akong magagawa nito. Masyado ng fixed sa utak nila na aalis kami.

"Sure. We need to eat breakfast first before going to shower and leave, okay?"

"Shower first."

"I already explain why we need to eat first before showering, Zaire. You might get stomach ache if you go to shower without foods on your tummy." They nooded.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now