CHAPTER 1

392 9 0
                                    

*NOTE NI AGI*

Attorney Hunting 101

>New Target<

▫️ D. A. Y. 1

It's a new day for a new target!

Nakakita ako ng possibleng target na gagawin kong asawa in the near future. Joke. Mukhang masungit pero keri naman, gwapo naman kasi at ito pa isa mukhang abogado din siya. Hindi nga maayos ang una naming pagkikita e, nagkabungguan kami pero pag nakita ko ulit yun, tatanungin ko kung abogado ba siya o hindi para naman matigilan ko na siya kung hindi.

HUNTING STARTS TOMORROW❗️

Hindi lang mga mababangis na hayop ang mga puwedeng ihunting para sa mga taong gaya ko, we're hunting a hot and wild attorneys. Grr.

Napangiti na lang ako nang mabasa ang sinulat kong note kahapon na nakadikit sa pader ko, yung pader ko parang nagsisilbing free wall lahat kasi nang may kinalaman sa paghahunting ko ng abogado nakadikit doon. Tinatanggal ko lang yung iba na nagkamali ako ng akala, yung mga hindi naman pala abogado an iniisatalked ko. Mabuti na lang malaki ang kwarto ko kaya maraming space akong napagdidikitan.

Nasa isip ko pa din si Attorney, kahit medyo malabo ang mukha alam ko ang gwapo yun. Sayang matitikman ko an sana yung mapupula-pulang labi niya kaso panaginip lang pala. Napanguso ako na lang ako ng mahaba. Yung tipong may hahalikan ako. Iniimagine ko na lang na nasa harapan ko si Attorney at itutuloy namin yung halikan kaya pinikit ko yung mata ko.

Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng may dumikit sa labi ko. Kaya agad akong napamulat, para tignan kong sino yun. Imbis kasi labi ang naramdaman ko, matigas na palad ang dumikit sa labi ko, pinitik pa yun.

"Hoy! Ano bang problema mo?!" sigaw ko sakanya.

"Nahihibang ka na naman! Nasa trabaho tayo! Tumigil ka muna sa kaka-attorney mo. Baka lalong hindi ka bigyan ni Lord!" tumayo ako't tinampal din ang bibig niya. Kung anu-ano na naman ang pinapakialaman ng babaeng to saakin.

Nakalimutan kong nasa trabaho pala ako.

"Huwag mong hilingin yan! May new target na ako ngayon! Mas matino sa mga nauna!" hinawi ko ang mahaba kong buhok.

She grinned. "Sabi mo yan! Magtrabaho na lang tayo. Nakalapag na ang eroplano." tinalikuran na niya ako. Minsan talaga inaabot yun ng pagkaseryoso.

Inayos ko muna ang skirt ko bago sumunod sakanya. Isa akong flight attendant na future ng attorney.

"Thank you. Hope you enjoy your flight," I said with my very very very faked smile.

We're now landed in New York airport. One of my favorite place is New york. Ewan ko ba, basta gusto ko pabalik-balik dito. Siguro kasi dito ko makikita ang future ko.

Natapos na din namin pasalamatan lahat nang pasaherong sakay nang airline namin. Sumunod naman kaming bumaba, of course hindi na mawawala saamin ang patunungin ang mga takong sa sahig. That gives us extra confident. Mayroon kaming two days layoff dito kaya naman makakapaglakwatsa ako!

Sumakay na kami sa van na maghahatid saamin sa hotel namin, sa The Plaza. Pagkarating namin dun, agad akong pumasok sa nakalaang kwarto para saakin.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now