CHAPTER 9

139 6 0
                                        


GAVAINE EZEKIAS VILLAMAYOR

Confused but I kept myself in silence. Binaba ko lang si Agueda sa isang medical clinic na sinabi niya. Kukuhanin na sana niya yung maleta niya sa likod pero pinigilan ko siya.

"Diyan mo na lang yan. I'll wait for you here." sabi ko sakanya. Mukhang nabigla pa siya sa sinabi ko. May kabigla-bigla ba doon? Unti-unti sumilay ang ngisi sa labi niya. Kung hindi ko lang siya kilala mapagkakamalan ko na siyang baliw.

"Sure ka? Maghihintay ka? If I know wala kang patience." pambabara niya.  I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.

"Look. I'm offering conveniece here... Pupunta ka ng clinic pero may dala kang maleta? Buang lang?"

"Sige. Bahala ka diyan." kinuha na lang niya yung maliit na bag niya tsaka pumasok sa loob. Nagpark ako ng maayos habang hinihintay siya.

Kinuha ko na lang yung papel kung saan nakalagay yung bagong kaso na ipaglalaban ko. I sighed. Wala naman kasing pinagkaiba-iba ang mga kasong nahahawakan ko. Minsan, puro staffa, drugs or kung ano pang mga common crimes. Wala ng thrill saakin ang mga ganoon naghahanap ako ng kaso na mahihirapan ako at mapapaisip kung paano lutasin.

I'm no detective, but I'm Attorney. Just like a detective were responsible solve cases, you need to solve cases inorder to win, specially when your client is innocent. Not guilty.

Pleading not guilty means that you say you didn’t do the crime, or that you have reasonable for doing so. Meanwhile, pleading guilty is the opposite one, means you admit the crime then the court should decide what will happen next.

Tinignan ko ang orasan ko at limang minuto pa lang ang nakalipas ng umalis si Agueda. Nakakabagot kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at maghcheck ng mga emails. Minsan ayaw ko gumamit ng cellphone dahil bubungad saakin ang mga walang kwentang chats ng mga tropa ko. At hindi nga ako nagkamali chats nila ang namumuro.

Sepholonio: Yow, prii. Saan ka?

Cylix: Gago ka talaga, Sepholonio. Nakita ka mo ng kasama si Agueda magtanong ka pa bobo.

Sepholonio: Edi ikaw na matalino. Kung makabobo ka naman. Taas ng pinag-aralan mo. Gago!

Ralph: ang ingay niyo grabe! Magkatabi lang kayo pero nag-a-away pa kayo dito. Mga gago!

Marty: *then the gago war begins…..

Tamad kong inoff ang cellphone ko. Kahit kailan talaga sila, I never regret having friends with but I regret having one gfroup with them. Minsan hindi ko sinasakyan ang mga kagaguhan nila, 'coz its so childish. Lalo na kung si Seph ang nangunguna.

Ayaw ko naman na makatulog dito kakahintay bumaba na lang ako at pumasok sa loob ng clinic. I'm so curious of what she's doing here, ofcourse aside from having check-ups.

Nagdiretso lang ako kung nasaan yung doctor. Hindi ko pinansin yung secretary na nakabuntot saakin, nanlalaki pa ang mata niya habang nakabukas ang bibig na parang ano mang oras tutulo na ang laway. Tsk.

"Naku! Yan na nga ba siansabi ko sayo. Puro ka kasi diet. Kala mo walang pambili ng pagkain. If I know mas mayaman ka pa saakin, kumain ka ng kumain para hindi ka nahihilo o kung ano pa man yang nararamdaman mo." narinig kong parang may pinapagalitan yung Doctor, I'm sure si Agueda yun. Nasa may tabi lang ako ng pinto, hindi ko pa sila nakikita, naririnig ko lang.

"Sabi mo saakin kanina nagresign ka na sa trabaho mo? So, ano pang purpose ng pagdadiet mo? As if naman tataba ka kung kakain ka ng marami... At isa pa, hindi tama yung isang beses sa isang araw ka lang kakain, mga hayop nga ilang beses kumakain sa isang araw, ikaw pa kayang tao...." dagdag pa nito.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now