CHAPTER 25

110 4 0
                                    

STEFANO SEPHOLONIO BUENAOBRA JR.

Nagkagulatan kaming lahat nila ng bumaba siya. Nandito kaming lahat sa bahay nila maliban kay Caleb at Ezzy, malamang hindi na kasama yung si Ezzy. Kasama niya ngayon si Sabrione, nagpapakasaya na nagpapainit ng ulo ko. Tangina niya! Kung hindi lang talaga ako pinigilan nila Jos at Ralph, nabubog ko na yun. Wala akong pakialam kung tropa pa kami. Napakalaki niyang gago!

Agad kaming napatayo ng makita siya. Nagkatinginan kaming apat ng napansin na ayos na ayos si Agi, at may dala pang maleta. Naka sunglasses siya, kaya hindi namin kita ang mata niya. Pero hula ko namamaga yun dahil sa kakaiyak. May anim na araw na ding nakalipas mula nung mangyari iyon, pero kahit malakas na tignan itong si Agueda alam ko ang fragile niya and she needs to be taken care of.

"Ohh? Anong ginagawa niyo rito?... Andito ba kayo para humingi ng sorry dahil sa ginawa ni attorney? Kung yun ang dahilan niyo mas mabuting umalis na lang kayo." Seryosong saad niya. Kung tatanungin niyo ko hindi ko maramdaman yung Agi na sarkastiko mas lalo pa nga atang tumapang yun pananalita niya.

"Guni-guni mo lang yan, Seph." Nagulat ako dahil sa biglaang pagsabi nun. Hindi ko naman sinabi yung nasa isip ko ah. Mind reader na ba siya matapos yung nangyari?

"H-Huh? Wala naman akong sinasabi ah." Pagdadahilan ko kahit totoo naman.

"Meron. Yung mukha mo may sinasabi." Pagkasabi niya nun umupo siya at may kinalikot sa cellphone niya mukhang may nagtext sakanya. Sino naman kaya yun? Aishh. Kung anu-ano ang naiisip ko baka mahulaan na naman niya. Umupo na din kami ulit.

"Ayos ka na ba Agueda?" Tanong sakanya ni Jos. Tinanggal ni Agi yung sunglasses niya at tinaasan ng kilay si Jos. Nagkamali ako, siya pa din yung Agi na una kong nakilala at hindi namamaga ang mata niya mukhang ang saya niya pa nga e. Akala ko kasi magagaya siya doon sa mga babaeng naloko tas ilang araw  lang parang ibang tao na. Oo na, ganito ako magisip dahil sa kakapanood ng mga teleserye. Korean nobela pa nga.

"Gago ka ba? Ay mali. Puro naman pala talaga kayo gago... Malamang ayos lang ako, kalimutan niyo na kasi yung nangyari. Come on. Mag-iisang linggo na iyon."

Sa ikalawang pagkakataon, nagkatinginan kaming apat. Hindi namin alam kung paano namin siya makakausap ng hindi ganyan ang pagsagot niya.

"Wow. Grabe, Agueda. Iba ka talaga magjoke. Paturo nga." Natatawang sabi ni Cylix. Isa pa 'tong Irlandes na 'to.

"Plastik ka." Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Agi.

Akala ko mananatiling nakaupo't nakatingin lang ang nerd na si Ralph. Nandidiri pa ako kapag tinatawag siyang nerd hindi bagay sakanya, mukha siyang santong gago.

"Para saan naman ang maleta mo? Aalis ka para makapagisip-isip? Para makalimutan si Ezzy at ang nangyari?"

Nag-abang kami ng isasagot niya. Sa totoo lang para kami ditong mga chismoso na sabik na sabik sa impormasyon.

"Walang ni isang tama sa binanggit mo."

Nanlumo kami dahil sa sagot niya akala ko pa naman may matino-tino ang sasagutin niya.

"Ano kung ganoon?" mukhang nainis na sakanya ni Agi pero sinagot niya pa rin ito.

"Pupuntahan ko ang pinakamamahal ko." Ha? Ano raw?

"ANO?!!" bulaslas naming lahat.

Humagalpak siya sa tawa. Lahat naman kami nagtataka na napatingin sakanya. Nabaliw na ata ng tuluyan.

"Ito naman 'di mabiro. Huwag na nga kayong maraming tanong. Naiirita na ako sainyo." She even flipped her hair. Naku! Konti na lang kukutusan ko na ang babaeng ito talaga.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now