CHAPTER 31

113 4 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay ni Ryker at hindi ko naman akalain na malaki iyon. Ngayon pa lang ako nakapunta sa bahay niya na ito, and I'm wondering kung nagpapabahay ba siya ng mga multo dito. Halos puro puti ang mga nakikita ko. Sobrang plain. Kinareer ang "plain white theme"

"Uncle Ryker?" Pagtawag nila Zech and Zaire.

Aware naman kasi sila na sa bahay ng Uncle nila kami tutuloy.

"Wala si Ryker. Nasa trabaho pa hindi pa ata umuwi simula kahapon." Caleb informed us. Pinasok na niya ang nga dala naming gamit. Mukhang binigyan naman siya ni Ryker ng susi para makapasok.

Just in time tumunog ang cellphone ko may tumatawag, pagkuha ko nun. Nakita ko na si Ryker ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Ohh?" sagot ko.

"Did Caleb picked you up?" Tanong niya. Lumakad na ako papasok at naupo sa couch.

"Hmm. At bakit naman siya pa ang pinasundo mo ha? Alam mo naman na ayaw ko sila makita. Kung hindi mo kami masusundo, e ayos lang naman kasi puwede naman kami magcarpool or mag-taxi." I rant.

"Tsk. He wouldn't say anything to Ezekias. I know that. Just be thankful because he spare time picking you up." I rolled my eyes. Bwesit talaga 'to.

"Nasaan ka ba? May pagkain ba rito sa bahay mo na parang bahay ng multo?" tanong ko. Narinig ko na parang may nalaglag, ballpen ata.

"What?!! Anong multo?!... Aishh! Nevermind. There's a house help there. She'll cook if you ask her." Hanep! House help talaga. Hindi ko akalain na kukuha siya ng katulong. I wonder kung ano lang ang ginagawa nun dito. Wala naman masyado na kalat at parati naman siguro wala siya dito kaya minsan lang magluto.

"Okay. Anong oras ka ba uuwi? Safe ba dito matulog? Walang multo?" I heard his low chuckle. Parang tanga, seryoso kaya ako sa tanong ko. Kasi baka kapag walang ilaw dito may lumitaw na mga multo.

"Seriously? Naniniwala ka talaga sa multo?" Napairap ako. Siya kaya itong nanguna sa paniniwala sa multo. May pasabi-sabi pa siya na mumultuhin daw ako nila Momo.

"Bahala ka na nga sa buhay mo. Huwag mo na ako kausapin." Pipindutin ko na sana yung end button, kasi nakita ko na may lumabas mula sa kusina.

"Wait! Where's the twins?" Tanong niya. I sighed. Mukhang nabudol na ni Caleb yung dalawa kay sumama sakanya.

"Kasama ni Caleb. Mukhang nagpapahinga. Kapag nakauwi ka na lang saka mo sila kausapin." then I ended the call.

Lumapit naman saakin si Manang, hindi ko naman alam kung ano ang pangalan niya kaya Manang na lang.

Tumayo ako ng tuluyan na siyang makalapit saakin. Inilahad ko ang isang kamay ko para sana magmano pero mabilis niya iyong iwinasiwas. Ayaw niya ba ako magmano sakanya? Mukhang matagal naman na niya kilala si Ryker so, parang Lola na namin siya thou, mukhang mas matanda pa sakanya yung mga magulan namin kaysa sakaniya.

"Ako po si Corazon, Ma'am. Ang house help ni Sir Ryker. Ano po ang maipaglilingkod ko sainyo?" tanong niya saakin habang nakangiti. Ngumiti naman ako pabalik.

"Uhm. Puwede niyo ho ba kami ipagluto ng makakain? Magpapalit lang ho ako ng damit sa itaas." tumango siya.

"Wala hong problema, Ma'am. Kayo po ba iyong kapatid ni Sir Ryker?" Ako naman ngayon ang napatango.

"Ang ganda niyo po. Para po kayong girl version ni Sir kung humaba siguro ang buhok niya baka magkamukha pa kayo." Aba't! Ang daldal ah.

"Hindi naman kayo madaldal Manang 'no? Talkative lang." I showed her my sarcastic smile and somehow, I remember my own Manang back there.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now