Today is Saturday. Weekends dapat nagpapahinga ako eh, well, technically I'm resting physically but my mind kept on working. Nag-iisip ako kung paano sasabihin kay Ezzy na kailangan ko siyang isama sa org. bukas. Kainis naman.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama dahil si Manang kanina pa katok ng katok eh, puwede naman siya pumasok na.
"Manang, ano ba naman yan. Pumasok ka na nga." Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako ng hindi si Manang ang makita ko. Literal na nalaglag ang panga ko.
"Ezzy?"
Takang-tanong ko. I wonder kung totoo nga ba siya o nanaginip pa ako.
"T-Totoo ka ba?" Medyo lumapit ako sakanya para maabot iyong mukha niya at pisil-pisilin. Hindi ako tumigil hanggang hindi ko siya narinig na umaray.
"Damn woman! Are you insane?!" singhal niya at pinalis ang kamay ko na nasa pisngi niya.
"Oo matagal na,...matagal na akong baliw sayo." He then send me a death glare, kaya napataas ang isa kong kamay at nagpeace sign. "Heheheh. Sorry."
"Ready ka na? Alis na tayo." Biglang pag-iba niya ng usapan. Saan naman kami pupunta? Di naman ako nainform na may pupuntahan kami. Weekends ngayon eh, at yung plano kong date bukas pa, doon sa org.
"Saan naman? Hindi ako nainform." Again, death glare. I pout.
Pota naman kasi. Kasalanan ko ba na hindi ko alam yung pag-aaya niya?
"Batangas. I thought sasama ka?" nangungunot na ngayon ang noo niya.
"I thought kahapon yun?" I mocked.
"I thought,... Ugh! Nevermind. Tara na nga." Hahawakan niya sana ang kamay ko pero hindi ko binigay. Hindi pa ako sasama sakanya.
"Ano?!"
"I thought, I thought, I thought,... Utot." Pagkanta ko at tumawa ng malakas. Siya naman naguguluhan sa kagagahan ko. Malamang, sino ba naman kasi ang hindi? Nag-aaya siya tapos bigla-bigla na lang ako sisingit ng ganun.
"Damn crazy! Tara na sabi! Iwanan kita diyan." napatigil ako sa pagtawa. Iyong kamay naman niya iyong hinawakan ko.
"Teka lang! Di ka namana mabiro. Magbibihis lang ako. Hindi ako pupunta doon ng nakaganito!" Saad ko at dun niya lang tinignan ang kabuuan ko. Nakapajamas pa ako at medyo messy pa ang buhok ko. Syempre mula ata nung hinatid niya ako kahapon nakahiga lang ako.
He sighed.
"Tsk. Change and I'll wait downstairs."
"Sige."
Pumasok ako sa kwarto at naligo. Pero kung inaakala niyo bibilisan ko hindi 'no. Kahit pa medyo matagal-tagal na rin naman kaming nagsasama ni Atty. Ayy wow. Para naman kaming mag-asawa sa salitang nagsasama. Gusto ko naman na maging malinis sa katawan ko, well, parati naman akong malinis, gusto ko lang talaga siyang pagtripan at inisin dahil sa sobrang tagal kong magpalit.
Let's consider this as our first out of town trip. Kahit alam ko naman na purely business ang ipupunta namin doon. Pero duhh, ako lang ata 'to. I can turn purely business into partly crazy game.
Nagsuot lang ako ng floral dress na parang pang summer kahit ilang buwan pa bago mag-summer, at may sunglasses pa ako. Naglagay lang ako ng light make-up. My outfit is more likely I'm going to a summer vacation. Tapos kay Ezzy, very professional ang datingan. Suit pa nga kung suit.
Nang makita niya akong pababa na, umalis siya sa pagkakaupo at lumabas na ng bahay mukhang pikon na siya. Sa tagal ko ba naman. Hinabol ko siya at nakita kong nasa loob na siya ng kotse niya.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
General FictionAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...