CHAPTER 6

163 7 0
                                    

CHAPTER 6

STEFANO SEPHOLONIO BUENAOBRA JR. (SEPH)

Nahihilo na ako sa kakapanood kay Caleb ngayon, sa totoo lang. Kanina pa siya ganyan eh. Nag-aalala ata dun sa kasama ni Attorney ngayon. Mukhang madami ang madadawit ng babae na yun sa grupo namin, siguro kabilang na ako doon. Hay naku! Gandang babae naman kasi ni Agi. Agi na lang itawag ko sakanya nahahabaan ako sa Agueda.

Nandito pala kami sa condo ko ngayon. Naawa na ako dito dahil parating gamit na gamit. Kung nakikita niyo lang ito ngayon sigurado ako maawa din kayo, wala na kasing kalaman-laman ang condo ko na ito, tanging sofa at higaan na lamang. Binabasag at sinisira kasi ng mga hangal kong kaibigan lahat ng gamit ko dito kapag nagawi sila dito at nag-iinom kami, bigla na lang sila magwawala kaya ang kinalabasan condo ko ang napupuruhan. Hay buhay! Nasasawa na rin ako bumili ng mga bagong gamit kapag nasisira nila o nababasag, at isa pa wala silang ambag na pambili!

"Prii, tangina naman. Baka puwedeng tumigil ka muna sa palakad-lakad mo diyan. Nakakahilo ka na. Wala ka sa club para magpaikot-ikot diyan, wala ditong babae. Gago!" sabi ko sakanya. Tinaasan niya lang ako ng gitnang daliri niya. Kung sipain ko kaya ang isang ito palabas dito? Sa totoo lang mukha siyang lasing ket hindi.

"M-Mommy..." biglang nagsalita yung bata na katabi ko, nakakandong pala sa hita ko. Muntik ko na siyang makalimutan. Tinignan ko ito, natutulog pa rin pero paulit-ulit nagsasalita ng mommy. Hayy ano ba yan.

Hinimas ko na lang ulit yung ulo niya para makatulog ulit. Pakiramdam ko malaking reponsibilidad ang batang ito. Ayaw pa naman matulog sa kwarto kaya nandito sa sofa. Ang arte din naman ng bata na ito pero wala akong magagawa, saakin hinabilin ito, baka mapatay ako ni Attorney nito.

Yung kaibigan kong si Attorney Ezzy kahit wala pa yung anak, he valued and cherish every child. Malapit ang puso nun sa mga bata, hindi ko nga alam ba't nag-abogado yun sana nag pedia na lang siya. Ezzy Pedia, para ganyan na lang tawag ko sakanya. Easy easy lang Hahahah.

"Seph, can you check your phone, kung tumawag na ba si Ezzy. I need to check on Izabelle. I can't contact her anymore." biglang pag-uutos saakin ni Caleb.

"Sinong Izabelle naman? Hindi naman Izabelle ang pangalan nung kasama ni Ezzy." sabi ko sakanya. "Agueda kaya yung pangalan nun." dagdag ko pa.

"That's her third name." sabi niya na parang wala lang.

"Anak ng! Third name na yun? Ano yung una at pangalawa? Huwag mong sabihing may pang-apat pa."

"Gago! Her name is Agueda Loucianne Izabelle D. Castro. Yan! Full name niya yan, sana tumigil ka na sa kakatanong at gawin mo lang yung inuutos ko sayo. Please." parang labag pa sa loob niya yung pag please.

"Ang haba haba haba haba naman pala ng pangalan nun kasing haba ng buhok niya." komento ko pero hindi na siya nagsalita.

Akala ko mahaba na ang pangalan ko pero may mas maihahaba pa pala ang pangalan ng babaeng iyon. Nahiya yung buo kong pangalan. Hayy ang mga tao talaga ngayon mahihilig na sa mahaba.

Napakamot na lang ako ng batok ng kuhain ni Miggy ang isang kamay ko at nilagay sa bibig niya yung thumb ko. Jusmiyo marimar! Ayoko na! Somebody help me please. Ang dami-dami ng utos saakin.

"Junior..." nahihimigan ko ang pagmamakaawa ni Caleb saakin pero hindi ko maintindihan kung bakit yung junior pa ang napili niyang sabihin. Dalawa naman pangalan ko. Hindi ko alam bat naging barkada ko pa sila. Tuwing magmamakaawa kasi sila saakin laging junior ang sinasabi nila. Ano bang magandang pakinggan sa junior na yan? Sa tengga ko kasi hindi kaaya-aya.


"Ul*l! Ikaw nga magsabi ka nga saakin ng totoo. Ano mo ba talaga iyang si Agueda ha?" dinuro-duro ko pa siya dahil tangina iba talaga ang kutob ko sa lalaking ito. Binalewala ko na lang ang inuutos niya.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now