Masayang-masaya akong umalis sa hotel. Six-thirty pa lang nang umaga kaya naman maganda maglakad- lakad. Ang sarap kasi nang simoy ng hangin lalo na't kaunti pa lamang ang mga tao.
"One latte and pancake please..." sabi ko sa counter ng isang coffee shop na nadaanan ko. Naisip ko na magkape muna bago ipatuloy ang paglalakad ko.
"One latte. Coming up!" gumilid muna ako sa tabi habang hinihintay ang order ko dahil may nagorder na din.
"One espresso." simpleng pag-order nun.
After few minutes, ibinigay na niya saakin ang order ko. Nagbayad muna ako bago umalis. Naglakad na ulit ako, ewan ko kung saan ako dadalhin nang mga paa ko. Hindi naman ako napapagod agad kasi nagma- marathon ako dati. I'm an adventurous woman!
Maya-maya pa may nakita akong isang resto na nagsi-serve nang masasarap na pagkain. Sa plating palang kasi mukhang masarap na. Pumasok ako doon at nag order, pumili din ako nang table na uupuan ko.
I grabbed my phone in my bag and checked my emails and messages. Hindi ko kasi nacheck kagabi, masyadong inukupa ni fafa ang utak ko kagabi. Ano kaya ang pangalan nun? Hayst. Saka ko na nga lang yan iisipin.
There is email from someone asking about sa hunting list ko. Sinabi ko na lang na wala pa akong nahahanap kasi hindi pa naman ako sigurado doon sa lalaking iyon baka mapagalitan na naman ako kung puro palpak ang hunting list ko. Paminsan-minssan naiirita na ako sakanila, e kung sila ang pag huntingin ko ng kailangan nila pero masaya naman ang pangha-hunting.
I checked my email in my modeling agency. Yup! Beside from being a flight attendant, I'm a part-time model. Parang nakikisawsaw nga lang ako sa mga model, pag wala yung isa ako yung tinatawagan.
My manager asked me if I want to join to the magazine they will soon release. Since, nandito naman na ako sa New York, I said yes. Hindi naman tumatagal ng kalahating buwan ang pagphotoshoot para sa magazine eh, isa pa sa isang page lang naman makakasali ang mukha ko. My manager and I are very very close, like we treat each other as relatives. Alam din naman niya na hindi ako puwede mag permanent sa modeling because I have work and I'm handling my hunting list na mayroon ng bagong target.
Dumating na yung order at siya naman ang pagtunog nang phone ko. I answered it immediately.
"Niandra Melixa Faustino-Sandoval! Mabuti naman naalala mo pa ako?!" pambungad ko sakanya. Ang haba-haba ng pangalan niya pero mas mahaba ang saakin.
Tumawa siya. "Huwag mo akong masubukan sa mga ganyan mo, Agueda Loucianne Izabelle Castro!" she fired back.
"Nag honey-moon lang kayo nang asawa mo nakalimutan mo na akong kamustahin man lamang! Ako toh e, yung bestfriend mong iniyakan mo nung panahong wala ka pang asawa!" kumuha ako nung inorder ko at kinain.
Tatawa-tawa pa siya. Narinig ko din na sinisita na siya nang asawa niya. Ang ingay raw.
"Ako pa ngayon sinisi mo. Puwede mo naman akong tawagan anytime! Letse ka!" I raised a brow, kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Kung gustuhin ko na tumawag sayo nang gabi tapos may ginagawa pala kayo nang asawa mo nakaistorbo na ako. Nakarinig pa ako ng mga hindi dapat na ingay! Kadiri!" tumawa lang ulit siya.
Ano bang nakakatawa sa nga pinagsasabi ko at tawa nang tawa ang babaeng ito? Naloka na siguro! Ang buang hindi siguro nakainom ng gamot.
"Hindi na tayo bumabata Agi. Kaya kung ako sayo, mag-asawa ka na din" pagpapayo niya. Para akong nabulunan sa sinabi niya, uminom na muna ako nang tubig bago siya sinagot.
"Gaga! Mas matanda ka saakin nang tatlong taon 'noh! Tsaka huwag mo akong madamay-damay sa pag-aasawang yan! Kung walang abogado eh, huwag na lang ako mag-asawa!"
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
Ficción GeneralAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...