CHAPTER 8

137 5 0
                                    

Nagising na lang ako sa mala-sampal na tapik sa pisngi ko. Sasampalin ko din sana kung hindi ko lang nakita na si Miggy pala iyon.

"Gutom..." naiiyak niyang sabi. Taena naman! Parati na lang talaga gutom ang naiibuka ng bibig ng batang ito. Tinignan ko naman ang oras sa side table. 4:30 pa lang ng umaga. Oo nga pala hindi kami nagdinner kagabi. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago tumayo sa kama.

Since nasa hotel kami, wala rin naman gaanong gamit dito. Hindi ko alam kung saan kukuha ng ipapakain sa batang ito. Kinuha ko iyong eco-bag na galing kay Caleb na ang laman ay mga grocery, such as energy bar, biscuits. Binili niya yun para saakin kahapon. Kumuha ako ng isang biscuit at binigay sa kanya.

"Mag biscuit ka muna Miggy ha." sabi ko sakanya. Papakainin ko na lang siya mamaya-maya ng masarap na breakfast. Inosente din naman itong tumango at naupo sa couch na nasa gilid ng kama. Nilapagan ko pa siya ng tatlo pang biscuits at water bottled mineral.

"Maliligo lang ako." paalam ko sakanya. As expected hindi na niya ako pinansin at busy sa pagkain ng biscuit. Napairap na lang ako, manang-mana talaga sa nanay niya ang batang ito.

Kahit maaga pa, maliligo na ako dahil alam ko, matatagalan kami sa pagkain ng breakfast, iyong batang yun ba naman ang kasama ko. Naku!

Kinuha ko yung towel at uniform ko bago pumasok sa cr. Naligo lang ako ng mabilisan dahil nalalamigan na ako, naririnig ko na din si Miggy na parang umiiyak. Minadali ko ang pagbihis at lumabas ng cr. Naabutan ko si Miggy na basang-basa ang damit dahil sa natapon na tubig.

"Bakit ka nabasa?" walang kwentamg tanong ko. Obviously natapon yun kaya siya nabasa.

Kumuha ako ng pamunas at pinunasan siya. Pati na rin yung mukha niya pinunasan ko, ang dugyot na kasi niyang tignan, yung chocolate biscuit ba naman ang kinain.

"Saan si Mommy?" biglang tanong niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at nag-isip ng kung ano ang isasagot sakanya. Hindi ko naman kasi alam kung nasaan talaga yung nanay niya. Magsasalita na sana ako kaso tumunog yung cellphone ko. Padabog akong tumayo upang kuhanin yun, buti sana si Melixa na yun. Sinagot ko yung tawag kaagad, wala ng tingin tingin sa caller.

"Ohhh? Sino ba toh? Ang aga-aga. Tawag kaagad. Hindi kita jowa uy." pambungad ko kahit hindi ko naman alam kung sino ang kausap ko sa kabilang linya.

Nag-init ang ulo ko ng hindi pa sumasagot ang kabilang linya. Tatawag-tawag tapos hindi naman pala sasagot.

"Huy! Tanga! Sino ka ba?... Importanteng tawag ba toh?"

Narinig kong may bulungan sa kabilang linya. Ibaba ko na sana kaso may nagsalita.

"Hello? Is this Agueda Castro?" tanong nun. Hindi pamilyar ang boses saakin kaya tinignan ko na yung pangalan ng caller pero number lang yun. Yung boses niya parang half-half. Half lalaki tapos half babae. Half soft, half husky.

"Ako nga. Sino ka ba ha?" matapang kong tanong.

"Ma'am, I am the secretary of the CEO, in the airlane your working. I just wanted to say that your request been approved."

"Thank you." binaba ko na yung tawag at napatampal na lang ako sa noo ko. Hindi ko inexpect ang tawag na yun. Hindi ko naman alam na may ganoon sa airline na tinatrabahuhan ko.

"Pst. Miggy, marunong ka na dibang maligo. Maligo ka na." utos ko kay Miggy. Sinunod naman niya ako.

Sinuklay ko na lang ang buhok ko tska naglagay ng make up. Sakto din na tapos na maligo si Miggy, binihisan ko siya.

"Pagkain..." sabi niya matapos ko siyang bihisan. Tumango lang ako at sinagot ang tawag sa phone ko. Oo, taena may tumatawag na naman. Hindi kagaya kanina, siangot ko lang ito ng pormal, as usual hindi ko tinignan ang caller. Hindi talaga ako tumitingin sa kung sino ang tumatawag saakin.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now