Flight after flight. Finally, my schedule was cleared so that means kailangan ko na rin sumunod kila Ryker. Isang Linggo na rin simula ng umuwi sila ng Pilipinas. Kasama niya na si Ruiz dahil kailangan daw sa org. at meet the family daw sa girlfriend niya. May girlfriend daw siya at hindi ko man lang alam na totoo pala ang mga sinasabi niya saakin kapag tinatanong ko siya kung may girlfriend man lang ba siya. Ako lang ang hindi naniniwala sakanya.
Three days after umalis nila Ryker. Sumunod naman si Wen, umuwi rin siya ng Pilipinas para ipaalam sa pamilya niya na buntis na siya. Nung pumunta siya dito, saka niya ipinalaam saamin na buntis siya, kaya pala hinahaluan niya ng juice yung drinks at pumayag sa light liquior lang. Kasi mostly ang iniinom niya ay nga hard at gustong-gusto na malasing siya. Well, I'm so happy for her and I'm always at her back, kagaya ng ginawa niya sa akin ng nagbubuntis ako, hanggang ngayon.
"Mommy?" si Zech. Naalimpungatan ata. Gabi na kasi I'm supposed to rest and sleeping from now.
Nagi-impake ako ng konting gamit namin para sa flight namin bukas. Bukas na yung alis namin papunta sa Pilipinas at plano ko lang magstay kami atleast three days. Sayang naman kasi kung magextend pa ako ng leave.
Binaba ko muna ang hawak kong damit at tinabihan siya.
"Are you okay? Do you need anything?" I asked him. Umiling lang siya pero kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay iyon sa noo niya.
I gasped. Agad ko ring nabitawan ang hawak niya kasi nagulat ako. Ang init niya, grabe yung init niya. I closed, calming myself. Hindi ako puwede mag freak-out para hindi siya matakot. Kapag kasi napapatili ako o napapasigaw natatakot sila saakin, na para bang ayaw na nila mapalapit saakin.
That was happened when they are one, nung nabasag nila ang isang vase sa sobrang likot kakagapang. The first thing I did was to freak-out. Napasigaw talaga ako unintentionally, napasigaw lang ako kasi malapit sila sa mga bubog at natatakot ako na masugatan sila. Ramdam na ramdam ko ang takot sakanila lalo na kapag hawak ko sila. And from that day I promised I will never freak-out lalong-lalo na kapag nasa harap nila.
Hinawakan ko ulit ang noo niya at mukha para makasiguro, tinignan ko rin ang mata niya at halatang may sakit talaga siya.
"Just sit there for a while, okay?" tumango naman siya. "I'll get you a medicine in the kitchen. Don't cry okay? Or your sister might get interrupted in her sleep." Tumango lang siya ulit.
Pumunta ako sa kusina, kumuha ng palangga at nilagyan ng maligamgam na tubig, gamot at biscuit. Bumalik na ako sa kwarto, kumuha naman ako bimpo sa lagayan ng damit nila.
"Zech, get out of the bed slowly because you might tripped and come here to mommy." Nasa mahabang couch ako sa kwarto namin na doon ako natutulog minsan, tatlo lang kasi ang kwarto dito sa condo. Yung dalawa kay Ryker and Ruiz. Hindi sana ako papayag pero sabi nila mag-aambag naman sila sa gastusin namin kaya pumayag na lang ako. Makakatipid na din naman kami pare-pareho.
"Mommy..." mangiyak-ngiyak na tawag niya saakin ng makalapit siya. Hinawakan ko siya at pinakiramdaman ang init niya at para bang mas lumala ang init niya kaysa nung kani-kanila lamang.
Para makasiguro kumuha ako ng thermometer, nilagay iyon sa kili-kili niya. Nang tumunog na iyon tinignan ko ang taas talaga ng lagnat niya.
Shit! Hindi ko man lang alam kung bakit nagkasakit ang bata na ito.
Binuksan ko iyong biscuit at binigay sa kanya, papakainin ko muna siya para may laman ang tiyan bago uminom ng gamot pero kailangan namin maghintay ng isang oras para tuluyang makainom. Kailangan lang muna tunawin iyong nakain. Hindi kasi maganda na iinom ka ng gamot pagkatapos na pagkatapos mo kumain. Akala ng iba tama iyon, kasi kailangan may laman tiyan bago kumain, may laman pa naman ang tiyan natin pagkatapos ng isang oras kasi hindi naman basta-basta natutunaw ang mga kinakain natin.

YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
General FictionAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...