CHAPTER 23

105 7 0
                                    

Nakasuot lang ako ng isang silky satin dress at siya naman nakasuot lang ng cocktail dress ng pumasok kami sa loob ng club bar.

Hindi pa naman naman wild ang mga tao kasi hindi pa naman hatinggabi pero sa tingin ko hindi na magiging wild ang mga tao dito. Kasi parang hindi naman talaga club bar ito, this place is more like an entertainment or videoke club. May naabutan kasi kaming nagjajamming session sa unahan sa sinet-uo nila na mini stage, mabuti na lang talaga at rock ang kinakanta nila at hindi mga gloomy music.

"Saan mo ba ako dinala na gaga ka ha?! Akala ko ba 'lets set the fire on' tapos parang nasa boring place tayo." Though hindi naman tlaga siya boring. Let's say hindi lang ako sanay.

Hinapit niya ako papalapit sakanya para lang kurutin ang tagiliran ko. Aba't!

"'Teh! Bulag ka ba?! Tignan mo nga yang mga naiiritan na mga kababaihan na yan at nga nag momol sa gilid na yan..." tinuro niya lahat ng mga sinabi niya. "Ganyan ba yung boring ha?! At yun tignan mo nga yang banda na yan! Mga hot fafa 'te! Baka landiin ko pa ang isa diyan!" Tili niya at nakisingit sa mga taong nasa gitna na nanood doon sa tumutugtug. Nakicheer din siya at nakisabay sa kantahan nila.

"Hoy! Mahiya ka naman! Akala ko ba may fiance ka na?!" Sigaw ko sa mismong tenga niya. Kaya napatili siya at pinagpapalo ako. Mabuti nga wala pa kami sa pinakaunahan kaya hindi kami masyadong agaw pansin.

"Animal! Ang sakit nun!" Inalog-alog niya pa ang ulo niya bago kunuha ng drinks sa nililibot ng waiter, kumuha na din ako, since wala pa naman kaming inoorder. "At isa pa huwag mo nga ipapaalala yan! Loyal ako pero hindi naman masya magsaya!" Inirapan ko na lang siya.

Muntik ko na mabitawan ang hawak kong baso ng hilahin niya ulit hanggang makapuwesto kami sa unahan.

Ngayon ko lang napansin na salitang korean pala ang kinakanta nila, kahit na kinakanta nila ito sa salitang ingles. Paano ba naman kasi halos lahat ng babae dito, ay nagsusumigaw ng mga salitang korea at sinasabayan pa nila ito, kahit itong katabi ko. Todo kanta kahit hidni naman nauunawaan ang mga lumalabas sa bibig niya. Nagtitimpi lang ako pero oras na madamay ako sa kahihiyan dahil sa babaeng ito lalagyan ko ng busal ang bibig nito!

"Wen! Matigil ka na! Nakakahiya ka! Hindi naman maintindihan lumalabas sa bibig o! Gaga!" Sinigawan ko na siya at kinurot din sa tagiliran.

Tinignan niya ako ng masama pero ngumisi din. "Duhh alam ko yung kanta! Feeling ka! Certified k-pop fan siguro 'to!" Nagfinger heart pa siya and I cringe pero natawa na din.

May naglibot ulit na waiter na may dlaang drinks kaya kumuha na ako ng dalawang baso at nilagok yun ng isahan.

Habang nagtatagal nagienjoy na ako. Nawawala na ang kalungkutan ko dahil sa nangyaring paghihiwalay namin ni Attorney kahit wala naman talaga kaming label.

I think we're just comrade with benefits.

Natapos na yung banda na yun at bumaba na sila sa mini stage but one of them caught my attention. Parang familiar siya, parang nakita ko na din siya sa club before.

Shoot! Siya si Ryker, yung kinilabutan ako kasi alam niya ang tungkol sa posisyon ko sa organization or worst alam niya ang buong organization.

"Hoy 'te! Saan ka naman pupunta ha?! Magsaya ka nga dito!" Bigla akong hinila ni Wen, sa likod ng collar ng damit ko pa talaga ha. Mabuti na lang kahit manipis na strap lang yun ay hindi bumigay. Medyo malapit na siya malasing, hula ko.

"Hey, miss! You're blocking the way!" Nagsorry na lang ako doon sa dumaan hindi naman kasi mapagsabihan ang kasama ko na ito. Pilit ba naman ako hinihila papunta sa gitna ulit para makiwild party.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now