CHAPTER 20

198 13 21
                                    

Chapter 20

Zeiley's POV

Today was sunday at ito kami nagb-breakfast. 9 AM na. Late kasi kami nagising, eh.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Zainah. Oo nga. At saka wala naman akong natandaang may gagawin kami ngayon, eh.

"Nothing. We're going to stay here whole day." sagot ni Ziarah.

Ugh! Mababagot nanaman ako niyan. Tsk!

"Guys, we need to talk later. A serious talk." seryosong sabi ni Zinh. Oh. Parang alam ko na 'to, ah.

"Ok. Let's just finish eating then let's talk about it." sabi ni Zainah.

Tinapos lang namin ang breakfast then naghugas ng pinagkainan saka diretsong umupo sa sofa.

"What is it?" agad na tanong ko kay Zinh.

"May nakakilala sa atin." She said in a very serious tone.

"Sa totoo nating katauhan. At hindi natin siya o sila makilala." dagdag niya sabay lapag ng brown envelope.

"I thought it's already under private investigation?" kunot-noo kong tanong. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Yeah. At iyan ang laman ng envelope na iyan." Zinh.

Kinuha ko ang envelope saka binuksan. It's the results of the investigation.

"How come?! F*ck this!" bulalas ko. Inagaw naman nila sa akin ang papers.

"Walang laman? Kung hindi none, private!? Ha! Ano to?" hindi makapaniwalang sambit ni Zainah.

"Same reaction with me. Simple lang. Malakas ang system nila na pati professional hacker ay hindi gumana. Like SuPriv, hindi din natin sila kilala diba?" Zinh.

"We need to be more careful. Hindi pa nga tayo tapos sa mission natin, may isa nanaman. Tsk!" sabi ni Ziarah.

Hmm. Sino naman kaya ang nakakilala sa amin?

"For sure, minamanmanan na tayo ngayon."

"Yeah, right. But, I secured the house so don't worry." Zainah.

Yeah. Sobrang strikto nga ng security mo, eh. Tsk!

"Don't worry, guys. Whatever happens, makikilala't-makikilala parin natin kung sino man iyan. Sa ngayon, kailangan lang natin mag-ingat talaga kasi hindi natin alam kung ano ang mga posibleng mangyari." saad ni Zinh.

Tama siya. All we need to do is to be more careful kasi hindi namin kilala ang kalaban namin. Kailangan lang naming bantayan ang mga tao sa paligid namin at magmasid-masid.

"Hayst! Bahala na. Alam ko naman na malalagpasan natin to, eh. Tayo pa ba!" sabi ni Ziarah.

Napangiti nalang kami sa kanya. Even though she's childish, she always thinks positive. Pinapagaan niya ang bawat sitwasyon at iyan ang isa sa mga nagustuhan namin sa kaniya.

"Hayst! Anong pwedeng gawin ngayon? Nabobore ako, eh." sabi ko sabay higa sa sofa.

"Ako din. Tara laro tayo ng billiards." Zainah.

Great!
I missed playing billiards tho.
Pumunta na kaming Billiard Hall.
Yes, we have it here.

By pair muna kaming naglaro. Si Zainah ang partner ko at kalaban namin sila Zinh at Ziarah.

We used to play this when we're in States. Minsan, kapag umuuwi kami sa mga parents namin, sila yung nakakalaban namin. They're the one who train us in playing billiards and yeah! We defeated them! Hahaha!

We played until lunch. Siyempre, nagluto si Ms. Chef namin. Hahaha. Marunong naman kaming lahat magluto. Ang kaibahan lang is mas masarap magluto si Zainah kaya siya palagi ang pinagluluto namin. Hobby na rin naman niya ang pagluluto, eh.

"Lunch is ready! Let's eat!" sigaw niya mula sa dining area. Pumunta na kami doon saka pumwesto.

"Wow! Ang bango! Nadagdagan bigla ang gutom ko. Hahaha." sabi ni Ziarah sabay kuha ng adobo. Tsk!

Kumain nalang kami ng tahimik. Ewan ko ba kung bakit ang tahimik.
Gutom 'ata talaga sila? Busy eh.

"Anyway, what do you think about the boys?" biglang tanong ni Ziarah.

Oh? The boys, huh? Hmm.

"Oo nga. Bakit kaya ganun bigla ang pakikitungo nila sa atin?" tanong ni Zainah.

"We don't know that's why we still need to be careful." sabi ni Zinh.

"Yeah, pero aaminin ko, ah? Masaya naman silang kasama, eh." sabi ni Ziarah.

Hmm. I agree.
Ok naman silang kasama, eh. Kaso hindi lang talaga mawala sa akin ang isipin na baka may pinaplano sila. Kasi alam naman natin na hindi maganda yung first meet namin diba?

"I admit it too. They're enjoyable to be with." Zainah.

"Baka iba na ang kahihinatnan niyan, ah? Hmm." halatang nang-aasar na sabi ni Zinh. Tsk!

"Anong iba? Like dzuh?! Ok ka lang?" Zainah. Hahaha! Gets agad, ah?

"Hmm. Bakit? Feel mo hindi ba? Eh ganiyan naman kadalasan ang mga nangyayari, eh. From enemies to lovers. Tsk!" sabi ni Zinh sabay irap.

"Hahaha! Asa namang magugustuhan namin ang mga iyon! Tsk!" sabi ko. Ewan ko lang talaga!

"Malay niyo diba?" Zinh.

"Naku tigilan mo kami, Zinh, huh? We have standards you know!" Zainah.

Yeah.

"Oh? Bakit? Ano ba ang gusto niyo sa lalaki? Yung mala—Deib Lohr? Maxwell? Khairro? Knight? Sevi? Jeydon? Juanito? Supremo? and 999 others? Tapos ang lovelife niyo mala—Wattpad? Ganun?" Zinh.

"Oo!" sabay-sabay naming sagot. Alam naman pala, eh!

"Tsk! Mga gaya-gaya." aniya sabay irap. Abaaa! Maka gaya-gaya 'to, ah! Tsk!

"Tsk! Parehas lang naman pala tayo, eh. So, huwag ka nang umasa na magugustuhan namin ang mga iyon." saad ni Zainah.

"Ikaw talaga Zainah kanina pa kita napapansin, eh. Napakadefensive mo." sambit ni Ziarah. Oo nga. Pansin ko rin. Hmm.

"Oh! Oh! Ano 'yang mga tingin na iyan? No to the hell way! Alam ko kung ano ang iniisip niyo, huh! Like dzuh?! Asa naman kayo, no!" Zainah.

"Hahaha!" sabay kaming natawa.

"Hindi ko alam na may ibig sabihin na pala ang mga tingin ngayon. Hahaha!" natatawang sabi ko.

"Oo nga, eh. Gets agad, ah." Ziarah.

"Ang sama niyo sa akin, ah." nakanguso na sabi ni Zainah.

"Hahaha. Pero sa totoo lang, it's possible you know. Hahaha." tukso pa ni Ziarah.

"Tsk. Kung makatukso ka, ah! Baka kayo ni Xahn magkatuluyan. Hmm." sabi ni Zinh. Natahimik naman siya.

"Hahaha! Oo nga! Ang sweet-sweet niyo nga kahapon, eh. Ayieee!"  pang-aasar ko sa kaniya.

"Wow! Parang kayo hindi, ah. Hiyang-hiya ako sa subuan niyo ng ice cream, huh!" Ziarah.

H-huh?

"OMG! For real?" bulalas na sabi ni Zainah. Tsk!

"Pinatikim ko lang sa kaniya yung flavor ng ice cream ko! Same din sa kaniya. Huwag kayong ano! Tsk!"

"Weh?" pang-aasar ni Ziarah.

"Tigilan mo ako, ah?! Bwisit ka!" pasiring kong sabi sa kaniya.

Tsk! Mga malisyosa!

"Just enjoy, girls. But, don't forget to be more careful." paalala ni Zinh.

"Aye aye captain!" sabay naming sabi. Lagi naman kami nag-iingat, eh. But in this kind of situation, we really need to be more careful.

Because no one knows who our enemies is.

~•*•~

DaZii: The Mysterious Four Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon