Chapter 25
Zinh's POV
Hindi ko alam kung bakit ko biglang naisipan 'to. May part talaga sa akin na may hinahanap na sagot or may gustong malaman. Feeling ko may malalaman talaga ako, eh. Hmm. Maybe, and I know this will be exciting.
"Oh, Zinh. Sabihin mo na sa amin kung anong klaseng laro ba iyan." sabi ni Virielle. Atat lang, sis? Itong babaeng 'to talaga kaya ayaw kong makipag-usap minsan dito kasi napakadaldal, eh. Tsk!
"Oo nga naman, Zinh. Siguraduhin mong mag e-enjoy talaga kami, huh?" sabi ni Zahner. I just smirked.
"Mag e-enjoy nga talaga kayo."
"So, what is it?" tanong ni Xahn.
"Teka! Yung Chicken Joy pa ni Zahner hintayin muna natin." biglang sambit ni Zainah. Tsk!
"Kahit kailan ka talaga Zainah eh, no? Masyado mo 'atang mahal ang pagkain, eh." saad ni Zxion.
"Syempre naman, no!" proud na sagot ni Zainah. Tsk!
*Ding—Dong!
"Ako na ang kukuha. Just prepare yourselves for the game." nakangising sabi ko saka lumabas ng kwarto.
This night is really exciting pero hindi ko alam kung bakit sa kabila ng excitement ay kinakabahan din ako.
Bubuksan ko nalang yung pinto. Baka yung pinadeliver na namin iyan. Binuksan ko na ang pinto pero...
Bakit walang tao? Don't tell me, may nantrip nanaman kagaya kanina?
Teka! May nakita akong red envelope sa doormat. Ano 'to? Invitation? Kunot-noo ko itong binuksan.
'Zhiru,
Enjoy the remaining time that I gave to you. Seeing you smile and DaZii laughs gives me more eagerness to tear it down to the core! Be prepare. By the time comes by, those smile and laughs will gone. You'll see.—Anonymous Foe
"Fuck this!" I cussed.
Kaya pala. Kaya pala ako kinakabahan. Sino ka ba talaga?
'Be prepare. By the time comes by, those smile and laughs will gone. You'll see.'
Ibang kaba ang nararamdaman ko. Delikado na ang sitwasyon namin. Hindi ko aakalaing may nakakilala na sa amin. Are we really careless? Or sadyang matalino lang talaga ang anonymous foe naming ito? We need to be more careful. And as a leader, kailangan kong malaman at masolusyunan ang lahat ng 'to.
Makikilala din kita at sinisigurado kong luluhod ka mismo sa harap ko.
"Good evening, Miss. This is your delivery from KFC."
"Oh. Thank you."
"Paki-sign nalang dito, Miss."
Pinirmahan ko nalang saka nagbayad para makaalis na rin siya agad. Sinara ko na yung pinto saka nagdesisyon nang bumalik sa taas.
Sasabihin ko ba kina Ziarah yung natanggap ko? May karapatan naman silang malaman, eh. Mamaya nalang siguro kapag kami nalang ang natira dito.
"Oh, Zinh? Bakit ang tagal mo?" bungad sa akin ni Zeiley. Kung alam mo lang. Tsk!
"Ah? Matagal na ba iyon? Ang daldal ng delivery boy, eh." pagsisinungaling ko.
"Tsk! Ok sige na. Let's start the game!" Virielle.
"Oh, Zinh. Ano na?" tanong ni Czyr.
Mag f-focus nalang muna ako dito. Mas mabuti na rin 'to para mabawasan ang kaba ko kanina pa.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
RandomApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...