Chapter 1
Zainah's POV
"Hoy! Bilisan niyo! Ang kukupad talaga kahit kailan! Tsk!" Zinh.
"Teka lang! Nasaan na ba kasi—" Ziarah.
"Nandito na yung bag mo! Dali na bilis!" Zeiley.
"Kingina naman kasi! Hindi niyo ako ginising tapos magmamadali kayo! Bwisit!" Ziarah.
Tsk!
Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse at pinaharurot papuntang school. Our new school.
Wearing white longsleeves with maroon blazer and maroon necktie and a few inches above the knee skirt paired with knee socks and shining black school sandals with 2 inch heels, we're on our way entering Vramierre Academy.
Marami na ring students kaya marami na ring nakatingin sa amin.
"Kung makatingin naman parang mga kriminal tayo, ah. Tsk!" mahinang sambit ni Zeiley.
"Hayaan mo na sila." sabi ko at dumiretso na sa hallway papuntang room. Kumatok muna kami and a guy opened it. Tinanguan lang namin siya saka pumasok. We used to sat at the back kaya expect na doon kami didiretso. Saktong pagkaupo namin ay pumasok ang lecturer kasunod ang apat na lalaki kaya napatayo din kami at bumati.
"Good morning, Miss!"
"Good morning, class! Ok, take your sits now." sabay lapag ng librong dala niya.
"Ok class, we have a new enrollees for you to be your new classmates. Please kindly introduce yourselves here in front."
Tsk! Pwede namang dito nalang, papupuntahin pa kami diyan sa harap e mag-iintroduce lang naman. Tsk! Syempre, no choice ano pa nga ba.
"Hi. I'm Zeiley Ruby Smith. Nice to meet you!"
"I'm Zainah Everlie Scott. Nice meeting you all." nakangiti ring pagpapakilala ko.
"Hi. I'm Ziarah Febie Stounson. A pleasure to meet you all."
"Zinh Hyazi Suzara is the name." sabay ngiti ng pilit.
Tsk! Tsk! She hates introductions!
"Ok, thank you so much! So class, any questions?" tanong ni Miss sabay inilibot ang paningin sa kanila. Nagtaas naman ng kamay ang isang lalaking kasunod niya kanina pumasok.
"Yes, Mr. Collins?"
"I thought hindi na pwede, Miss? It's already second semester." nakakunot-noo niyang tanong. Bakit? Hindi na ba kami pwede dito? Tch!
"Ah, about that. They passed the difficult examination for the late enrollees that's why they're here." nakangiting sagot sa kanya ni Miss. Napa 'woah' naman sila except sa apat na lalaki. Eh?
"First time yun ah." rinig kong bulong ng babaeng nasa tabi ko lang.
First time? You mean, first time lang na may nakapasa sa difficult examination na iyon? Oh well, aaminin kong medyo mahirap nga. Medyo lang naman. Haha. Mabuti nang honest. Tsk!
"From what school are they?" tanong ng kasama niyang lalaki na blonde ang buhok.
Binigyan naman kami ni Miss ng,
'sagutin-niyo-ang-tanong-niya-look'Tsk!
"We're from Harvard." walang kainteres-interes na sabi ni Zeiley.
Napamangha naman ang iba pero nakita kong kumunot ang noo ng blonde-haired guy at sumeryoso naman ang iba niyang mga kasama.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
AléatoireApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...