Chapter 31
Zeiley's POV
Nandito na kaming lahat sa sala at kararating lang namin. Balak naming pag-usapan ang mga nangyari at balak muna naming itago ito kay Zinh.
"Guys! Let's keep it first to, Zinh." sabi ni Zainah na sinang-ayunan naman namin ni Ziarah.
"Bakit?" tanong ni Czyr.
"Kasi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si...
"Zinh." gulat na gulat naming sabi. She's here! Darn!
"Oh? Bakit mukhang nakakita kayo ng multo?" Zinh. Jeez!
"A-ah hahaha! Buti at naisipan mo pang umuwi. Tsk! So, ano na? Nalaman mo ba?" agad na tanong ni Ziarah.
"Anong nalaman, Ziarah?" biglang tanong ni Xahn.
Oh, shoot! Naningkit naman ang mata ni Zinh.
"A-ah wala-wala. About business iyon. M-may kumakalaban kasi sa kompanya kaya baka nalaman na niya kung sino. Hehe." napapakamot sa ulo na sabi ni Ziarah. Tsk!
Napatango-tango naman sila kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
"So, bakit kayo nandito? It's friday at may klase pa." seryosong tanong ni Zinh. Oh jeez! Ito na! Ihanda na ang tainga!
"A-ah a-ano kasi s-sumakit yung u-ulo namin—" Ziarah.
"Dahil sa kalasingan." biglang sabat ni Zinh sa malamig at seryosong tinig. Hindi patanong iyon kundi yung sigurado na talaga siyang iyon nga ang dahilan.
Shuta! Paano niya nalaman—
MAPAPATAY TALAGA KITA, KIAHN!"Anong napala niyo? Ni hindi niyo pa pinaalam sa akin at balak niyo pang itago?" walang emosyon na sabi ni Zinh.
Lagot. Galit na iyan. Kapag ganiyan na iyan alam na!
"S-sorry n-naman. Si Kiahn kasi eh." sabi ni Zainah saka bumulong. "Mapapatay ko talaga iyon!"
"Too irresponsible. I hope it won't happen again next time." walang emosyon nitong sabi saka umakyat na sa taas.
Naguguluhan naman kaming tiningnan nina Czyr kung bakit ganon nalang umasta si Zinh eh maliit na bagay lang naman ang malasing.
Para sa inyo, simple lang pero sa amin malaking bagay na iyon especially sa sitwasyon ngayon na hindi niyo pa kami tuluyang kilala.
Naiintindihan naman namin si Zinh eh. Sadyang kami lang itong nakalimot dahil sa pesteng pag-ibig na iyan.
'We're not the person like ordinaries so you might not forget your responsibilities!'
Napailing nalang ako nung maalala ko ang sinabing iyon ni Zinh noon.
"Kami na ang bahala sa kaniya basta yung pinag-usapan natin, itago nalang muna natin sa kaniya." mahina kong sabi at kahit naguguluhan ay tumango parin sila.
"Sige, whatever the reason is, we respect it." sabi ni Zxion.
"Huwag niyo hayaang malalaman pa niya sa iba kung ayaw niyong tuluyang magalit siya." biglang sabi ni Zivh na kakapasok lang.
Tama siya. Dapat maging handa muna kami bago namin sabihin sa kaniya at harapin ang galit niya.
"Sige, mauuna na kami. Thank you for this day." sabi ni Xahn saka ngumiti sa amin.
Nginitian nalang namin sila saka sila nagpaalam but before that we mouthed to each other 'I love you!' before they left.
Nang wala na sila ay nagkatinginan kaming tatlo saka sabay na napabuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
RandomApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...