CHAPTER 23

179 8 26
                                    

Chapter 23

Xahn's POV

It's been two weeks since we went to the zoo. And it's also been two weeks since something had changed.

Something that we didn't expect to develop. And we don't know if it will grow and bloom like a healthy fresh roses in botanical garden.

Somehow, I felt happy. But, at the same time...

Afraid.
Afraid on what would be the consequences. Afraid if many things will ruin. Afraid if we lose. Afraid if everything we laboured will disappear like bubbles. Afraid of being hurt.

Natatakot sa lahat ng bagay. Gustuhin ko man ay parang may pumipigil sa akin at manatiling sarado at pusong bato para ligtas ang pinangangalagaan namin.

Siguro, kailangan ko lang isipin na isa lang itong imahinasyon at panandalian lang.

Hmm. Siguro nga. Hindi pa ito nangyari sa akin noon eh kaya siguro mali lang ang interpretasyon ko. Wala akong alam dito, eh. Tsk! Ayaw ko ring magtanong kina Zivh. Aasarin lang ako ng mga impaktong iyon. Tsk!

Siguro, pakikisamahan ko nalang sila at isipin na mawawala din 'to. Tsk! This past weeks kasi ay palagi na kaming nagkakasama.

Bonding, asaran, gala sa kung saan. And I can say that we're friends. Close friends to be exact.

Ang saya nga nila kasama, eh. Ang kukulit nila. Kung may problema ka, malilimutan mo talaga kung sila ang kasama mo. Sinasabayan nila ang bawat trip namin.

This past weeks ko din nakitang tumawa si Zinh. Ewan ko lang kung namula nga talaga si Zivh. Hahaha! Titig na titig siya kay Zinh, eh. Tsk!

Yung pagka-PG ni Zainah na sinuportahan namin. Yung pambabara ni Zeiley na kinakawawa kami. Tsk! At yung pagkachildish ni Ziarah na nagustuhan ko. Yeah, I like her childishness. She's like a baby. And, I want her to be...

My baby.

Charot!
Marunong din akong mag joke, no! Hahaha!

Pero promise, gusto ko lang talaga ang pagkachildish niya. Ang cute-cute niya kasi. Yeah, I admit it.

Ah! Basta. Masaya talaga silang kasama. At doon ko talaga nasabing napakajudgmental namin noong una.
Hinusgahan agad namin sila e hindi pa naman namin sila kilala.
Our bad. Tsk! Tsk!

Hayst! Anyway, forget it. Sabado ngayon so it means boring. Nandito lang kami sa bahay at nakahiga sa sofa. Ang tahimik nga, eh. Natapos na ang story telling ko sa inyo pero tahimik parin. Tsk!

"Ba't ang tahimik niyo?"

Ok. Binasag ko na ang katahimikan. Wala akong magawa..Boring eh.

"Shhh! Huwag ka ngang maingay Xahn. Nag-iisip ako." saway sa akin ni Zxion. Oh?

"Hinay-hinay lang sa pag-iisip, ah? Baka mabaliw ka." paalala ko.

"Baliw na nga, eh." biglang sabat ni Zivh.

"Ngumingiti mag-isa." dagdag ni Czyr.

Ah? Hmm.

"Ano ba ang iniisip mo, Zxion?" tanong ni Czyr sa kaniya.

"Mali 'yang tanong mo, Czyr. Hindi ano kung 'di sino." nakangising saad ni Zivh.

Hahaha! Buddy ko talaga 'to! Parehas kami ng iniisip, eh.

"Pinagsasasabi niyo? Manahimik nga kayo! Tsk!" inis na sabi ni Zxion.

"Oo nga! Manahimik nga kayo. Hindi maka-concentrate si Zxion sa pag-iisip kay Zainah. Hahaha!" pang-aasar ko.

DaZii: The Mysterious Four Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon