CHAPTER 26

169 9 27
                                    

Chapter 26

Zeiley's POV

Linggo ngayon kaya bukas pa yung pasok namin. Dalawang buwan na pala kami dito sa Pilipinas at dalawang buwan na rin since lumipat kami sa Vramierre Academy.

Ang bilis lang ng panahon at hindi namin namamalayan dahil masyado kaming nag e-enjoy. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay wala parin kaming nahagap na impormasyon tungkol sa misyon namin.

Ginamit na namin lahat ng connections namin dito at nag-utos sa private detectives at lawyers para hanapin ang matagal na naming hinahanap pero wala talaga. Merong may mga kaparehong pangalan pero kulang yung impormasyon upang matukoy namin kung saan namin mahahanap o matatagpuan.

Naiinis na rin ako kasi ito yung misyon naming pinakanahihirapan ako, eh. Mas gugustuhin ko pa ngang makipagbakbakan kaysa sa hanapan.

Malay ba naming baka nag out of the country na ang mga iyon or nagmigrate na sa kung saang lupalop ng mundo. Pero according sa may investigation wala namang records na may umalis ng bansa na ganun yung pangalan, eh.

O baka naman nagchange ng pangalan? Nah! That's the rarest. Kailan kaya namin matatapos 'tong misyon na 'to? Hanggang kailan kaya kami mananatili dito?

Ok lang na tumagal kami dito. Nag e-enjoy naman kami, eh. At saka, masaya ako dito ngayong may mga bago na kaming kaibigan na kayang sabayan ang mga trip namin at saka pinapasaya kami.

Hindi ko lang talaga alam kung anong mararamdaman ko sa oras na matapos na 'tong misyon namin dahil kailangan talaga naming bumalik sa pinanggalingan namin.

Sa kinalakihan namin.
Kahit naiinis ako sa misyon na 'to, dito ko natutunan ang makipag socialize sa ibang tao. Ang magkaroon ng bagong kaibigan, at tumawa dahil nasa amin ang freedom.

Sa buhay na kinalakihan namin ay ibang-iba sa kung anong buhay meron kami dito. Dito, malaya kami pero doon sa mundo namin, hindi naman sa lahat ng oras pero sa lahat ng bagay dapat seryoso ka. Kami yung tipong ibang-iba sa lahat at kaya tinatago namin ang identity namin dahil gusto naming tratuhin kaming patas at hindi itinitingala at bilang isa na ring kaibigan. Iyan ang isa din sa dahilan kung bakit ako pumayag sa misyong 'to. Hayst! Ang dami ko nang nasabi. Tsk!

"Ano na ang sasabihin mo sa amin, Zinh na dapat ay kagabi pa?" tanong ko sa kaniya.

May sasabihin sana siya kagabi sa amin, eh kaso nga inaatok na talaga kami dahil 11 na umuwi ang mga bwisita naming iyon kaya ayun natulog nalang kami. Tsk!

Sumandal nalang ako sa headboard ng kama at si Zainah naman ay humiga. Nakaupo lang sa couch si Ziarah habang kumakain kami ng sundae. Nasa kwarto kasi kami ni Zinh. Wala, maaga lang namin siya binulabog. Hahaha! Tsk!

"Yeah, Zinh. Kagabi ko pa napapansin na parang napakaimportante 'yang sasabihin mo, eh." sabi ni Zainah.

Bigla naman kaming napaseryoso nang bigla nalang siyang sumeryoso habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman.

May nilapag siyang red envelope sa table sa harap niya. Ano naman iyan?

"Natanggap ko iyan kagabi nang may nagdoor bell." aniya.

"Galing iyan sa delivery boy?" natatawang tanong ni Ziarah.

"Hindi." sabi ni Zinh saka matamang tinitigan ang envelope na akala mo masusunog gamit lang ang tingin niya. Tsk!

"Kaya ako natagalan at hindi nakabalik agad dahil noong may nagdoorbell ay walang tao pagbukas ko at iyan lang ang nakita ko sa doormat."

What?!

DaZii: The Mysterious Four Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon