Chapter 17
Third Person's POV
Malamig na hangin ang dumapo sa balat ng babaeng nakatayo sa ilalim ng puno sa isang madilim na sulok habang pinagmamasdan ang apat na babaeng masayang nagk-kwentuhan.
Isang patak ng luha ang kumawala sa hindi mapigilang sakit at hapdi na dulot ng nakaraan. Bawat ngiti na nakikita niya ay siya ring kagustuhan nitong palitan ng luha.
Galit at paghihiganti.
Tatahimik lang siya kapag nakaganti na siya sa mga taong dahilan ng kaniyang pagdurusa.
"Balang araw, matitikman niyo rin ang hapdi ng nakaraan at sakit ng nawalan at iniwan."
Mabigat ang kaloobang nilisan niya ang lugar. Hindi niya kayang panoorin ang mga taong sumira ng buhay niya na noon ay pinagtatanggol pa niya.
Malamig at walang ka-ekspresyon siyang pumasok sa gusali kung saan naroroon ang lahat ng taong tapat sa kaniya.
"Updates?" agad na tanong ng magandang babaeng nasa late 30's ang edad.
"They're still enjoying. Smiling happily and it sucks that I want to kill them all." malamig at puno ng galit niyang tugon.
"Don't worry, you can take your vengeance, my dear."
"I will and I am." she said then grinned.
•••
Zainah's POV
We're driving to school right now. Ngayon ang last day ng School Fest. namin. Hmm. I'm kinda excited tho. Ano kaya ang mangyayari ngayon?
Nagpark lang kami then pumasok na sa school. I can see that everybody is excited. Marami na ring students kahit 6:50 palang ng umaga. Pumasok na kami sa room at naabutan namin doon si Virielle na nagbabasa.
"Hi, Virielle. Good morning." bati sa kaniya ni Ziarah at sumunod naman kaming bumati sa kaniya.
"Hello, guys! Good morning sa inyo!" masaya niyang bati.
"Ang aga mo naman. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kaniya. Mga nasa sampu palang kasi kaming nandito sa room.
"Uh, well, kararating ko lang din, eh."
"Ah, ganun ba? Uy, sorry nga pala kahapon dahil hindi ka namin naasikaso. Busy kasi sa booth, eh." sabi ni Zeiley.
"Oo nga. Hindi ka tuloy namin nasamahan." Ziarah.
"Naku hindi, ok lang. Ano ba naman kayo. Naiintindihan ko naman na kailangan niyong bantayan ang booth, eh. Huwag kayong mag-alala sa akin. Ok lang talaga. Promise!"
"Yieee! Ang bait mo talaga. Thank you sa understanding mo, ah? Nag-enjoy ka naman ba?" tanong ni Zeiley.
"Oo naman, no! Uy, by the way. Congrats nga pala dahil nanalo kayo. Yieee! Libre na 'yan! Hahaha!"
"Hahaha! Bruha ka din eh, no? O sige mamayang break time at lunch. Zainah's treat." sabi ni Zeiley.
Wtf?!
"Pinagsasabi mo, bitch? Ang lakas mo maka-agree tapos hindi naman ikaw yung gagastos! Ok ka rin eh, no?" sabi ko sabay irap.
"Yeah right, witch! And no one can violate my words! Final—Aray! Makabatok wagas?!" inis niyang sambit.
"Just shut up, bitch!" sabi ko at inirapan lang ako ng bruha! Tsk!
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
AcakApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...