Chapter 33
Ziarah's POV
"Okay na siya at pwede na siyang lumabas dito sa clinic." sabi ni Nurse Cyllene saka pumunta sa office niya. Hayst. Mabuti naman at okay na si Zinh.
"So, kaya mo na ba, Zinh?" Zainah.
Ngumiti naman siya saka tumango."I'm okay now. Tara na at kukuha pa tayo ng special exam kay Prof. Dave." Zinh.
Hayst! Oo nga pala. Saktong 3 PM na at siya ang subject namin this time.
"Tara na." sabi ko saka inalalayan siya. Naglalakad na kami papuntang next subject nang makasalubong namin si Prof.
"Oh tutal nandito na rin naman kayo, dumiretso nalang kayo sa library at doon kumuha ng special exam dahil tahimik doon. Here's the questionnaire. Excuse na kayo ngayon at ihatid niyo nalang iyan after sa office ko." sabi sa amin ni Prof. Dave.
"Yes Prof., thank you." Zeiley.
Tinanguan lang niya kami saka na dumiretso sa room. Kami naman ay pumunta nang library.Umupo na kami at nagsimulang sumagot. Sixty questions lang naman ang sasagutan namin. Tsk.
***
20 mins. lang ay natapos na naming sagutan lahat kaya napagdesisyunan muna naming mag take a nap tutal marami pa naman kaming oras.________
Zinh's POV'Ito na ang kabayaran sa lahat ng pagdurusa ko! Papatayin ko kayong lahat!'
'Huwag! Hindi na ikaw iyan! Hindi ka na namin kilala! Isa ka ng demonyo!'
'At dahil iyon sa inyo! At bilang kabayaran ay papatayin ko kayong lahat!'
*BANG!
'HUWAG!'
Mariin akong napapikit nang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang napanaginipan ko. Hindi ako makatulog dahil sa panaginip na iyon! Hindi ko alam kung bakit iyon ang napanaginipan ko at kinakabahan ako na baka magkatotoo iyon.
Natatakot ako. Ayaw kong may mawala isa man sa mga kaibigan ko kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan lang sila.
Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. At alam kong may kakaharapin pa kaming mga problema kaya hinahanda ko na ang sarili ko. Pero nag-aalala na talaga ako sa kalagayan namin.
Bakit bigla-bigla nalang sumasakit ang sentido namin at saka kami nahihimatay? Hindi namin sinasabi sa mga magulang namin dahil ayaw namin silang mag-alala.
Pero naalala ko noong babalik na ako dito sa Pilipinas.
*F L A S H B A C K!*
"Zinh, anak mag-iingat ka huh? Sabihin mo lang sakin o sa amin kung may nararamdaman kayong kakaiba." wika ni Mommy sakin.
Nararamdamang kakaiba?
"I will, Mom."
"Pati na rin sila Ziarah, Zainah at Zeiley. Sabihin niyo muna sa amin kung magpapacheck-up kayo huh, Zinh, mangako ka anak."
Kahit naweweirduhan ako sa sinabing iyon ni Mommy ay tumango nalang ako. Bakit? Bakit parang may iba sa boses niya nang sabihin niya sakin iyon? Bakit parang...
Kinakabahn siya na natatakot?
"I will, Mom. Aalis na po ako. Mag-iingat din po kayo dito."
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
RandomApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...