Chapter 3
Zinh's POV
Bwisit!
Kasasabi ko lang kagabi na maaga pa kami ngayon pero anong oras na?!
"Pakibilisaaaaaaaan!" sigaw ko.
"Sandaliii! Ito naaa!" sigaw ni Ziarah mula sa taas.
Kahit kailan talaga ang babaeng 'to! Ang kupad! Anong oras ba 'to natutulog?!
"May plano ka pa bang baguhin ang wake-up time mo?!" salubong ang kilay na tanong ko sa kanya nang makababa na siya. Hindi pa nakapagsuklay! Tsk!
"Eh bakit ba kasi hindi niyo ako ginising tapos mamadaliin niyo ako!" inis ring sagot niya.
"Alarm clock na pala tingin mo sa amin? Anong purpose ng alarm clock mo doon?"
"Nasira eh. Hindi ko napalitan." maktol niya.
"Hindi na namin kasalanan iyon! Palagi mo kasing mina-massacre eh. Tsk! Nasa mall na tayo kahapon, hindi ka pa bumili ng bago!"
"Eh sa nakalimutan ko eh."
"Tss!"
"Nasaan na sila?" tanong niya na lilinga-linga pa.
"Sa labas, hinihintay na tayo. Isang kotse lang ang gagamitin natin." sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya.
"Kanino naman?"
"Kay Zeiley. Sa labas tayo kakain." sabi ko na ikinalapad naman ng ngiti niya. Tsk!
"Wahhh! I love it! Tara na!" sabi niya sabay kuha ng bag at naunang lumabas.
Anak ng! Kalma ka lang self!
Ako na nga ang naghintay, ako pa ang iniwan! Kinginang 'yan!Lumabas na ako at agad namang nag peace sign si Ziarah sakin. Tsk! Siniringan ko nalang siya sabay pasok sa passenger seat ng kotse ni Zeiley. Dumiretso kami sa Zakashi Restaurant. A japanese restaurant of mine.
Um-order na ako at kumain na rin kami. The truth is 6:45 AM palang naman at 7:30 pa ang klase namin. Sadyang gusto ko lang ng mas maaga at para na rin masanay na sila.
"I just wanna ask. Ano kayang problema ng apat na lalaking iyon sa atin dahil kung makatingin naman parang may kasalanan tayo sa kanila, ah." sabi ni Zainah.
"Parang may inaagaw tayo sa kanila na wala naman. Tsk! Hindi ko sila maintindihan." sabat rin ni Zeiley.
"They're just afraid that we might surpass them." sabi ko na ikinakunot ng noo nila.
"They're just afraid that we might surpass them???" kunot-noong tanong ni Zainah.
Naks naman. Unli lang?
"Epekto ba iyan ng kabusugan o kakulangan?" hindi makapaniwalang tanong ni Zeiley. "Inulit mo lang eh. Tsk!" Ngumuso naman si Zainah.
"What do you mean by that, Zinh?" tanong ni Ziarah.
"Takot silang malampasan natin." sagot ko dahilan upang mapahampas sa noo si Zeiley.
"Zinh naman! Kung si Zainah inulit, ikaw trinanslate mo lang eh. Paksyet! Ang hinihingi namin ay yung ibig sabihin hindi yung translation!" sabi ni Zeiley sabay ngiwi at iiling-iling. Natawa naman ang dalawa. Tch!
Barado ako dun, ah. Tss!
"Reyna ng pambabara goes to Zeiley Ruby Smith! Psh!" Zainah.
"Oh, ano nga iyon, Zinh?" tanong ulit ni Ziarah. Napabuntong-hininga nalang ako.
"I just checked their backgrounds last night." sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
AléatoireApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...