CHAPTER 30

170 9 0
                                    

Chapter 30

Zeiley's POV

Argh! Ang sakit ng ulo ko! Ano ba ang nangyari? Shit! Parang binibiyak yung ulo ko huhuhu!

"Kinginang hang over! Tsk!"
Pumunta nalang akong banyo saka naligo para mabawas-bawasan naman 'tong sakit ng ulo ko.

Ano kayang nangyari kagabi? At paano kami nakauwi? Kinaya kaming tatlo ni Kiahn? Tsk! Ewan.

Isang oras akong naligo saka nagbihis nalang ng white crop top saka white short at bumaba na. Naabutan ko sa kusina si Zainah na nagluluto.

"Hey, morning." bati ko sa kaniya saka umupo at kumain ng oat meal.

"Morning. Hindi ba sumakit yung ulo mo?" tanong sa akin ni Ziarah.

"Tsk! Parang binibiyak nga eh. Naligo nalang ako para mabawasan."

"Ako nga rin eh. Paano kaya tayo nakauwi kagabi?" Zainah.

"Ewan. Hindi ko rin maalala eh." sabi ko nalang sa kaniya. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Tsk!

"Tatanungin ko nalang si insan. Lokong iyon  hindi pumunta dito! Tss!" Zainah.

"Hey, guys! Good morning! How's the hang over?" nakangising sabi ni Ziarah. Tsk!

"Still a hang over. Tsk!" walang gana kong sabi saka uminom ng hot chocolate.

"Hahaha! Let's eat breakfast na nga lang. Nagugutom na ako eh." Ziarah.

"11:30 AM na po, sis! Baka lunch yung ibig mong sabihin. Tsk!" Zainah.

Napanganga naman kami sa kaniya. What?! Lunch na? Patay! Absent kami ngayon. Tsk! Friday naman na eh kaya okay lang. Lunch na pala akala ko 8 AM palang eh.

"Kaya pala kanina pa kumakalam yung sikmura ko. Tsk!" sabi ko nalang saka nag umpisa na kaming kumain.

"Ano na kayang nangyari sa bruhang Zinh na iyon? Sabi ko magu-update sa atin eh pero hanggang ngayon wala parin. Tsk!" Zainah.

"Ewan ko nga doon pero mabuti na rin iyon na wala siya dito kundi, yari na tayo." Ziarah.

"Walang magsusumbong sa kaniya huh kundi lagot talaga tayong lahat!" sabi ko sa kanila. Iba pa naman magsermon ang bruhang iyon! Tsk!

"Patitiklopin ko lang si insan baka magsalita eh lagot talaga siya sakin pag nagkataon." Zainah.

Ha! Subukan lang ni Kiahn magsumbong yari talaga siya sa amin.

After naming maglunch ay napagdesisyunan nalang naming manood dito sa sala. Walang magawa eh. Napakaboring naman. Tsk!

*DING! DONG!

Nagkatinginan muna kami bago sumagot si Zainah na siya nalang ang magbubukas. Baka daw si Kiahn na iyon eh.

Nanood nalang kami ni Ziarah habang kumakain ng sundae pero nang tumagal ng 5 mins. ay may naramdaman kaming masamang aura na papalapit sa amin at nakita namin si Zainah na seryosong-seryoso ang mukha.

Anong nangyari dito?
Nasagot ang tanong ko nang sumulpot sa likuran sina Czyr na may dalang pizza.

And what the hell are they doin' here? So nag-absent din sila? Tsk!

Bigla nalang din kaming napaseryoso saka itinuon ang pansin sa panonood at hindi na nagsalita. Ewan ko ba pero nagtatampo ako eh. Argh! Ganito ba mainlove? Nawawala ka na sa pwesto? Yung wala ka namang karapatan magalit o magtampo pero still ginagawa mo parin? Tskkk! Ayaw ko naman silang pansinin eh! Naiinis ako! Ah basta naiinis ako!

"Hey, okay na ba kayo?" biglang tanong ni Zxion.

Huh? Okay?

"Hindi ba masakit yung ulo niyo?" nag-aalalang tanong ni Czyr. Kunot-noo naman kaming nagkatinginan na tatlo.

DaZii: The Mysterious Four Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon