Chapter 36
Third Person's POV
Maingat na inalis ni Zeiley ang braso ng binatang si Czyr mula sa pagkakayakap sa kaniya saka dahan-dahang bumangon para hindi ito magising.
Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa ibabang bahagi nang tumayo siya at pinulot ang mga nakakalat na damit sa sahig. Agad siyang nagbihis at nang makatapos ay binalingan niya ang binata na mahimbing paring natutulog saka binigyan ng halik sa noo at nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
"I'm sorry for everything, my honeyboo. I know you'll hate me so I cherished this night with you because I know..." dumaloy ang mainit na likido sa pisngi niya. "This would be our last."
Pinahid niya ang luha sa pisngi saka dahan-dahang humakbang para makalabas na ng kwartong iyon. But, every step she made breaks her heart into pieces knowing the fact that this is their end. That the man right there is innocent and clueless of what's going on.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto ay agad siyang napasandal at hinayaang dumaloy ang masagana niyang luha. Naramdaman niya ang pagyakap ng dalawa niyang kaibigan na tulad niya ay kakalabas lang din ng kwarto at luhaan.
"Let's go now bago pa sila magising." mahinang sabi ni Zainah kaya napatango nalang ang dalawa. Agad silang sumakay sa kaniya-kaniya nilang kotse at umuwi ng bahay.
It's 3:12 in the morning kaya expect na nilang tulog na ang nag-iisang babaeng natira at naiwan sa bahay pero nagulat sila nang makita itong nakaupo sa single sofa at tila hinintay sila magdamag.
"It's late." salubong nito sa seryosong tinig. "Where did you came from?" usisa nito sa kanila.
Nagulat nalang si Zinh na sa tanong niyang iyon ay kaliwa't kanang sampal galing kay Zeiley at Ziarah ang naging sagot. Para siyang napako sa sariling kinauupuan.
"You're.such.a.disappointment." malamig ang mga binitawang salita ni Zeiley bago tuluyang umakyat paitaas papuntang kwarto niya.
Hindi alam ni Zinh kung ano ang ire-react sa nangyari.
"Bakit?" mahina ngunit malamig na tanong sa kaniya ni Ziarah. "Are we not authentic enough to deserve your trust?"
Hindi siya nakasagot sa tanong na iyon. She has the idea that they knew it already. Maraming eksplanasyon na sinisigaw ang utak niya pero hindi niya kayang ibuka ang bibig niya para magpaliwanag.
"Kaya mo ba tinago sa amin iyon para hindi kami masaktan? Na gusto mo kaming maging masaya?" mapait na tanong ni Ziarah.
'Hindi niyo ako maiintindihan.' anang isip ni Zinh.
"Oh ngayon, hindi ba kami nasasaktan? Kami ba ay masaya?" puno ng sarkastikong tanong ni Ziarah.
"Ha! Tangina!" malutong nitong mura saka iniwan si Zinh na naluluha.
"Sana inisip mo muna yung mararamdaman namin bago mo tinago, Zinh. Matalino ka diba? Pero bakit sobra ka pa sa bobo?! Tangina!" malamig na sabi ni Zainah saka tuluyang umakyat sa itaas.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Zinh dahil sa mga sinabi ng matatalik niyang kaibigan na itinuring na niyang kapatid. Masakit ang mga binitawan nilang salita na tumagos sa puso niya. Walang emosyon ang mukha niya at patuloy lang sa pagdaloy ang luha niya.
Gusto niyang magpaliwanag.
Gusto niyang sabihin lahat.
Pero ayaw bumuka ng bibig niya dahil alam naman niya sa sarili niyang sarado pa ang utak nila para sa paliwanag niya. Natatakot siya na baka hindi siya paniwalaan ng mga ito gayong malaki ang galit ng mga ito sa kaniya.Niyakap nalang niya ang unan saka doon tahimik na umiyak. Wala doon ang kakambal niya para icomfort at icheer up siya dahil umuwi muna ito sa lugar nila.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
De TodoApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...