Chapter 12
Third Person's POV
Malamig na hangin galing sa basag na mga salamin ng bintana ang dumapo sa balat ng apat na babae pagpasok sa isang pribadong gusali.
Tahimik.
Magulo.
Tanging liwanag lang ng buwan na pumapasok mula sa basag na bintana ang nagsisilbing ilaw, sapat upang makita ang napakagulong lugar.
Galit...
Paghihiganti...
Iyan lamang ang tanging nasa isip ng apat na ngayon ay pinalilibutan na ng napakabigat at napakasamang aura.
Sinusuri ang bawat anggulo na nawasak, na sobra pa sa dinaanan ng super typhoon.
Napakabigat ng bawat hakbang ng pinunong siyang may kapangyarihang mamahala ng organisasyong ito.
Hindi niya aakalaing umabot sa ganito ang lahat sa isang pitik lang. At ang mas lalong nakapagpagalit sa kaniya ay ni isa walang nagsabi sa kaniya.
Ramdam na ramdam ang galit sa kanilang apat na siguradong wala na silang sasantuhin ni isa na pagdating sa teritoryo ay patayan na talaga.
*TING!
Napatingin silang lahat sa biglang pag ilaw at pagtunog ng computer sa isang madilim na sulok. Biglang may lumabas na mensahe kaya agad nila itong nilapitan at binasa.
'DaZii. I don't think that you're this Negligent. Careless. Reckless. Unattentive. Unguarded. Unwary. PATHETIC! Ohhh! Haha! Finding me? I'm just froebelist. Watching you!'
Biglang may lumiwanag sa kabilang madilim na sulok at kahit hindi na sila umalis sa kanilang pwesto ay mababasa parin nila ang nakasulat doon.
'Underground is waiting on you, DaZii Gang. Come and play! Prove your pride. Your enemies is waiting! Don't step back if the real DaZii Gang that I knew is the strongest above all. Don't bring shame into your Gang!'
"WTF?!"["Saturday, 12 midnight..."]
~~•*•~~
*Underground Website Updates*
|*Gangs/gangsters! Those strongest will fight. Let's play and prove your pride. Saturday, 12 midnight. Expect a Bloody Night!*|
~Anonymous Gang
Saturday night. Underground Battle.
Hindi inaakala ng lahat na ganito karaming tao ang pupunta. Lahat ay sabik sa labanang magaganap. Maraming lalaban sa hindi nila kilalang kalaban. Ipapakita nila ang tinatawag na 'malakas' sa grupong nanghamon nalang biglaan.
Lahat sabik na makilala ang 'anonymous gang' na pati SuPriv ay nakuha ang interes at handa na ring lumaban.
Sa kabilang dako, nakaupo lang sa sofa ang apat habang seryosong nakatingin sa flat screen sa harapan nila. Makikita doon kung gaano karaming tao ang nanonood at naghihintay sa kanila.
Simple lang silang nakaupo pero sa loob-loob nila ay puno ng galit at kyuryosidad. Hindi nila inaakalang ganito karami ang manonood at bakit hindi nila alam na alam ng lahat ng nandito ang mangyayari.
'Napakatalino naman ng gumawa nito. At siya pa ang nanghamon para sa amin, huh? Tsk!' Azu.
Samantalang hindi maikumpara ang galit sa dibdib ng pinunong kinalaban ng hindi kilalang kaaway.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
AléatoireApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...