Chapter 10
Czyr's POV
—DEN—
"Aaarghhh!" Zxion.
"Fucking shit! No way!" Xahn.
"Tss!" Zivh.
Bwisit!
"Nakakabwisit talaga ang mga iyon! Argh! Talagang ngumisi pa sila huh?! Eh kung punitin ko kaya ang mga mukha nilang mga mukha namang pangit! Letse!" frustrated na sabi ni Zxion.
"Nakaka-bad trip! Ano nalang ang sasabihin ng nakatataas kapag nalaman nilang may naka-tie tayo sa scores?! Argh! Bwisit! Lagot tayo nito!" batrip na sabi ni Xahn.
"Pwede ba? Kumalma na muna kayo! Nadadagdagan pagkabwisit ko dahil sa inyo eh!" inis kong singhal sa kanila.
Kanina pa sila mura ng mura! Inis na inis na ako dito eh! Peste! Ugh! Hindi ko na alam ang gagawin sa mga 'to kapag hindi pa sila tumigil! Naiirita na nga ako, dinadagdagan pa! Tsk!
"So, what are we going to do now?" pilit pinapakalma ang sarili na tanong ni Zxion.
"Hindi maaaring makarating ito sa nakatataas ngunit impossible naman iyon dahil lahat alam ng mga iyon sa atin!"
Bumuntong-hininga nalang kami. Isa sa mga iniiwasan namin ay ang ma-disappoint namin ang nakatataas. Alam naming magagalit sila sa amin kahit simpleng bagay lang basta may kinalaman sa studies namin. Sasabihin nila na pinapababayaan na namin ang pag-aaral o di kaya ay hindi na namin sineseryoso porket nakukuha namin ang lahat ng gusto naming makuha.
Ayaw na naming mangyari ulit yung nangyari noong nakaraan na dahil sa gang fight ay bumagsak kami sa test dahil dalawang linggo kaming absent. Iyon ang kauna-unahang napuruhan kami ng sobra. Hindi kinaya ng katawan namin ang sakit at higit sa lahat ay natalo kami. Natalo ng isang kilalang grupo na tago ang tunay na mga katauhan. Tsk!
Napuruhan at natalo na nga, napagalitan pa kami ng nakatataas! At ang mas nakaka-bad trip pa ay grounded kami ng dalawang buwan!
Oh diba?!
BAD TRIP!Kaya hanggang ngayon ay hinahanap namin ang grupong iyon dahil bigla nalang nawala na parang bula! Hahanapin namin sila upang makaganti sa nagawa nila sa amin. Hindi namin hahayaang manalo sila ng ganun-ganun lang!
Lintik lang ang walang ganti!
Kaya maghanda na sila dahil sa oras na makita at makilala namin sila, wala ni isang katiting na hininga kaming ititira. Ganun ka tindi ang galit namin sa kanila!Nagkamali sila ng nilabanan.
Matitikman nila ang ganti ng SuPriv!"Ano na ang gagawin natin ngayon? Hindi naman natin pwedeng gamitin ang kapangyarihan natin sa paaralang ito dahil napaka loyal nila sa nakatataas. Kahit anong pigil natin sa kanila na huwag sabihin, makakarating at makakarating parin talaga ito sa kanila. Tsk!" sabi ni Xahn.
"Dapat maagapan na agad natin ito bago pa makarating sa nakatataas. Mapagalitan man tayo at least nagawan na natin ng paraan upang mabawi ang nawala sa atin, diba?" sabi ko sabay kain ng mansanas.
"Yeah. Tama ka, dude. Pero ang tanong, paano at sa anong paraan? Anong gagawin natin?" tanong ni Xahn.
"Nothing."
Napatingin kami sa biglang sumabat na si Zivh.
Nandito pala 'to?! Tsk!
Ang tahimik eh. Kanina pa iyan. Tss!"Why 'nothing', Zivh? Ano, hahayaan nalang ba natin sila?" ayan na naman ang nakakunot na noo ni Zxion. Kahit kailan talaga ito! Palaging high blood! Tsk! Mainitin ang ulo eh.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
De TodoApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...