Chapter 38
Zeiley's POV
One week and three days had passed. Isang linggo at tatlong araw na kaming nagtatago at malayo sa kanila.
"Kamusta na kaya si Zinh?"
Napabuntong-hininga naman kami sa tanong ni Ziarah. Nandito lang kami sa condo at nakaupo."Sana okay lang siya. Sana hindi siya gaanong naapektuhan sa pag-alis natin. Kailangan eh dahil kung hindi tayo umalis, hindi natin siya maiintindihan dahil galit ang pinapairal natin." Zainah.
Napatango kami sa sinabi niya. Tama naman siya eh. Kung hindi kami umalis, baka magkasakitan lang kami. Baka hanggang ngayon, galit parin kami sa kaniya.
Ngayon, naliwanagan na kami. Naniniwala na kaming ginawa lang niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa amin. Sadyang hindi lang namin matanggap noong una na tinago niya sa amin, na may alam pala siya.
Time heal all wounds nga sabi nila. It takes time to heal our wounds and now we're okay, we're fine and ready to face her again. Napatingin kami kay Ziarah nang tumunog ang phone niya.
"It's Zayhn." aniya saka sinagot ang tawag.
"Hey, Zayhn. Huh? Done? We're clueless." kunot-noong sabi niya saka napatingin sa amin sabay buntong-hininga.
"We had a misunderstanding but we'll fix it now. Okay. Yeah right. Okay, goodbye!" aniya saka pinatay ang tawag.
"Anong sabi?" tiningnan niya kami, mata sa mata.
"Our mission is done." ani niya na ikinagulat namin.
"Eh? But how?" naguguluhang tanong ko.
"Zinh accidentally saw them and the necklace and also the tattoo. Tinanong niya ang mga iyon kaya nagkaalaman na." Ziarah. Naginhawaan naman kami sa narinig.
"Thanks to her." nakangiti naming sabi.
"Saan niya daw nakita?" tanong ni Zainah.
"Sa Zakashi Restau. kahapon."
Mabuti naman at tapos na ang misyon namin.
Tapos na.
Bigla akong nalungkot sa isiping iyon. Babalik na kami sa lugar namin kung saan talaga kami nakatira. Iiwan namin sila dito."Alam ko kung ano ang iniisip mo, Zeiley." sabi ni Zainah. Napabuntong-hininga nalang kami.
"We have no choice anyway. Alam naman nating magagalit sila sa atin. Alam natin kung gaano sila kagalit sa DaZii but still nagpaka selfish tayo. Mahal nila tayo bilang tayo, at kaaway nila tayo bilang DaZii. Sana, sana puso ang pairalin nila. Sana pumaibabaw ang pagmamahal at hindi ang galit."
"It takes time to heal all wounds, Zainah. Tayo nga nagalit din noong una at matagal bago natin matanggap kaya siguradong matatagalan bago pa maging maayos ang lahat sa pagitan ng dalawang grupo."
Napabuntong-hininga nalang kami.
Alam naman namin yun eh. Pero sana, sana lang mapatawad pa nila kami."Bisitahin na natin si Zinh. Namiss ko na siya. Wag lang tayong magpakita sa iba." Ziarah.
Tumayo na kami at nag ayos-ayos bago lumabas. Sumakay kami sa kotse ko na malakas ang system at hindi matrack nino man saka umalis. Dumiretso kami sa bahay saka pumasok ng tahimik.
Nagtaka kami nang pagkapasok namin ay sobrang tahimik. Sobrang linis na akala mo ay walang nakatira. Umakyat kami at pumunta sa kwarto ni Zinh ngunit wala siya doon hanggang sa nilibot na namin ang buong bahay ay wala kaming nakita kahit anino niya. Bumalik kami sa sala saka napaupo.
"She's gone. Saan kaya siya pumunta?" Ziarah.
"Baka sa Zakashi. Kumain lang." biglang sabi ni Zainah.
BINABASA MO ANG
DaZii: The Mysterious Four
De TodoApat na misteryosang babae na pinadala sa isang misyon upang hanapin ang long lost bestfriends ng kanilang mga magulang. Sa kanilang paghahanap ay matatagpuan nila ang makakapagpatibok ng kanilang puso ngunit sapat ba ang pagmamahal upang malabanan...