Chapter 30 Christmas Party

1K 76 12
                                    


  "Come in Jace,"

   Naunang pumasok si Ivler sa pad niya, napa wow ako dahil very stylish at classic ang design ng unit niya. Ang lakas ng dating si lakas ng dating niya. Marami siyang pictures na nakasabit sa dingding may ilan na lifesize pa nga sing taas ng dingding.

    Sa isang kuwarto naroon ang mga pictures niya ng mga sinalihan niyang  mga pageant.

   "Do you want anything Jace?"

    "Okay lang ako Ivler dont mind me,"

     "Sure? Yun lamig ng aircon Okay na ba sa iyo yan?"

    "Oo Ivler okay na sakin, medyo ginawin kasi ako."

    "Alright halika dito ka na magpahinga sa guest room, magbeauty rest kasi mukhang magdamagan ang christmas party mamaya."

    Binuksan ni Ivler ang kuwartong hindi naman kalakihan pero bongga pa rin ang style at gamit nito da loob.

   "Kung may kailangan ka dont hesitate Jace. Feel at home here. Kapag nagutom ka nandoon lang ang kitchen,"

    Biglang dumukwang si Ivler sa tiyan ko na medyo ikinagulat ko ng bahagya.

    "Hi baby welcome to my pad, bilisan mo lumaki, everybody wants to see you soon!

    Sabay himas ni Ivler sa tyan ko.

    "O siya pahinga ka na magshower lang ako then magrerest din, nytie nytie!"
   
    Biglang dumampi ang labi ni Ivler sa ulo ko. Sabay ngiti sakin ng napakatamis.

    "Salamat nga pala Ivler,"

    "Wala yun basta ikaw Jace, sige na pahinga ka na."

    Nun umalis na si Ivler ay pumasok na rin ako sa loob ng kuwarto. Inilapag ko ang bag ko sa maliit na table. Dinukot ko phone ko sa bag ko para mag alarm, naalala ko na din tingnan kung may message na sakin si  Marky pero wala pa itong mensahe sakin. Kunsabagay mag lilimang oras pa lamang ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Marky kanina sa BGC.

   Namimiss ko na kagad siya, sa kabilang banda naalala ko din si Grecko. Namugto ang mga ko hindi sa awa sa sarili ko kindi, ako ang naawa kay Grecko, kitang kita ko na namoblema siya bigla nang mapatunayan niyang anak niya kay Aaliyah ang bata kaninang naglalaro sa office. Pero bilang katulad niya na isang ina napakahirap din ang itatwa ng isang ama ang kanyang anak.

    "Wow"
  
   Nakakapraning nagsisink na ba sa isip ko na magiging isang ina na rin ako kahit isa akong beki o lalaki pa rin na maituturing. Napawow na lang talaga ko sa sarili. Dahil may simpatya pa rin ako kay Aaliyah at sa kanyang anak. Sa ganitong usapan kasi walang kasalanan anak, kung paano man nabuo ang bata kung resulta man ng pagkakamali dapat pa rin gampanan ni Grecko ang tungkulin niya bilang isang ama sa anak nila. Nakakasira ng ulo ang isipin na magiging pagsasama nila Grecko at Aaliyah sila bilang pamilya ang siya na naman magiging tuldok o wakas ng mga storya namin.

    Mawawalan na talaga kami ng chance ni Grecko. Ang sakit isipin matatali na siya sa iba at hindi na magiging malaya pa. Pinunasan ko ang luha ko na dumaloy sa mga mata ko. Wala na mga talaga naiinis ako kay Grecko pero ano pa ba magagawa ko kung hindi wala na. Wala na talaga!

     Kinuha kong muli ang phone ko tinanggal ko yun picture namin ni Grecko noong magkasama kaming pumunta ng tagaytay. At nag alarm ng alas kuwatro ng hapon sapat na siguro yun para dalawang oras na preparation para mamaya sa christmas party.

    Nahiga na ko sabay yakap sa napakalambot na unan. Maya maya ay nakaramdam na ko ng antok at tuluyang nakatulog.

   

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon