Chapter 27 Soon to Be Daddy

1K 70 5
                                    


   Papasok na ko sa bagong building, hanggang ngayon may morning sickness pa rin ako. Malamig ang panahon dahil disyembre na kaya nakajacket ako. Nakita ko ang mukha ko sa salamin ilang buwan na lang lalaki na tyan ko. Hindi ako makapaniwalang nagdadalang tao ako. Tiyak na pagkakaguluhan ako ng mga tao na isang  lalaki buntis. Mabuti sana kung lagi akong hatid sundo ng nobyo kong si Marky paano kapag nagcommute ako. Sabi nila ang maternity leave inaallowed kapag 2 to 3 months bago managanak depende kung maselan ang pagbubuntis. Dapat ko din ba ayusin ang pananamit ko.

    "Magandang umaga Jace." bati sakin ng security guard.

    "Magandang umaga din kuya Edward may tao na ba sa opisina?

   "Kunti pa lang pero si Boss Grecko nariyan na"

     Huh si Grecko nariyan na,  pagkatapos kong iswipe ang id ko.  nagkatinginan kami ni Grecko sa convenient store na tenant ng building ni Grecko.  Binilisan ko ang lakad ko habang siya naman ay nagdudumaling lumabas ng convenient store may bitbit itong plastic. Binilisan ko ang takbo ewan ko ba bakit ako biglang napatakbo ang sinasabi lng ng utak ko wag ko siyang kausapin. Kumplikado na ang lahat sa amin, ayaw ko ng may bagay pang namamagitan samin pagkapanganak ko ilalayo ko ang anak ko sa kanya o kahit kay Marky o sa mga taga opisina. Uuwi ako ng probinsya magtatago mamunundok ganoon.

     "Jc huwag ka naman tumakbo baka mapano si Baby." sigaw niya.

     "Huwag mo kasi ko habulin, pabayaan mo na ko ayaw kitang makausap,"

     "Saglit lang ano ka ba buntis ka lang pero hindi ka baliw, kausapin mo naman ako,"

     Oo nga para kaming mga tangang naghahabulan sa hallway. Laking tuwa ko ng maabutan kong papasara pa lang ang elevator. Sila Barbs at strawberry ang nasa loob.

      "Naku bakla ka bakit ka tumatakbo baka mapano anak mo,"

     Hindi ko inaasahan na maabutan ako ni Grecko, mabilis nitong naiharang ang kamay niya sa pagsara ng elevator.

    Napanganga na lang ang dalawa dahil saming dalawa ni Grecko.

    "Maaga pa naman Sir bakit kayo nagmamadali?" tanong ni Barbs.

   "Naghahabulan ba kayo ni Jace Sir?

   "A-ah kami hindi hinabol lang namin itong pagsara ng elvator, di ba Jace?" tarantang sagot ni Grecko.

   "hind ko alam sayo bakit mo ko hinahabol!" pagsusungit ko.

   "Naku nagsusungit ang buntis, mukhang pinaglilihian kayo ni Jace Boss," ani Barbs.

    "Oo nga eh wala naman ako ginagawa sinusungitan ako ni Jace ibibigay ko lang naman itong siopao at buko juice oh,"

   Nagbago ang rehistro ng mukha ko kung kanina nakabusangot ako ngayon ay parang gusto ko ng sumuko. Napatingin ako sa plastic na dala-dala ni Grecko takam na takam ako sa siopao na dala niya.

     "Naku pinaglilihian pa naman ni Jace yan siopao, feeling ko ang sarap sarap mg siopao ni Sir Grecko," natatawang sabi ni Barbs.

     "Pero mas bet ko yun Bj, Buko Juice ni Sir Grecko,"

     "Oo naman masarap na masarap to, I'll bet makakalimutan niyo pangalan niyo sa sarap,"

    Parang hindi na nga ko makahinga sa loob ng elevator at mukhang nagkakasundo pa sila para pagtripan ako. Nanunuyot na lalamunan ko tila nagaanyaya ang buko juice na inumin ko.

    "Para ba talaga sakin yan boss?"

    Cool na cool naman tumango tango si Grecko sakin. Iniaabot na sakin ni Grecko ang plastic na may laman na siopao, saktong pagbukas ng elevator mabilis kong kinabig ang plastic na may lamang siopao.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon