Door knocking....
Jace POV
"Mama!"
"Mama!"
Ilang beses kong katok sa pinto halos mabasa na ako sa lakas ng ulan, ano bang laban nitong payong kong nagpapagewang gewang na at halos tangayin na rin ng hangin.
"Parang bagyo na ito".
"Oh Anak, bakit ka sumugod sa ulan! Ayan tuloy basang-basa ka", bungad ni Mama sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"Dyan na po ako sa kanto nang abutan ako ng ulan, eh gusto ko na po makauwi agad dahil bukas may pasok na naman,"
Ani ko habang nagtatanggal ng medyas at sapatos, isinampay ko ang payong sa sabitan.
"Naku gusto mo nga makauwi agad eh, Bata ka magkakasakit ka naman sa ginagawa mo," ipinatong sakin ni Mama sa ulo ko ang towel at pinunasan ako.
"Sorry po Mama," tugon ko.
"O siya maligo ka na at tamang-tama nagluto ako ng bulalo mami paborito mo yun hindi ba."
Tumango lang ako at naglakad habang bitbit ang bag ko.
"Nak mukhang matamlay ka kung sasama pakiramdam mo inuman mo agad ng gamot ha."
"Opo Ma," muli kong tugon.
Pagkapasok ko sa kwarto agad kong inilabas ang mga gamit ko sa bag, medyo tumagos ang tubig sa luob ng bag ko kaya naman nabasa ang papel, resibo maliban lamang sa phone ko na binalot ko ng plastic, dead battery na pala ito kaya nag charge na ko ng phone saka ako naligo.
Pagkabalik ko sa aking kwarto naroon na sa study table ko ang isang malaking mangkok puno ng mainit na sabaw ng bulalo mami.
"Si Mama talaga napaka maasikaso sa aming magkakapatid talagang sinuguro niyang kakain ako".Humigop ako ng kunti sabaw at sobrang init nito. Kaya itinabi ko muna ang pagkain. Napagmasdan ko ang isang box na natatakpan ng mga photo album ko. Hindi ko na matandaan kung ano nakalagay dito, natatandaan kong inilagay ko ito sa cabinet ko. Nang buksan ko ang box. Natuwa ako sa mga laman nito mga alaala noong nakakasama ko si Grecko. Nagbalik lahat sa aking ang mga masasayang alala ko noong grade 4 ako at siya naman ay nasa Grade 6.
"Ito yun tamagochi na pinahiram ni Grecko sakin pero hindi ko na naibalik,"
Inisa-isa ko lahat ang gamit na nasa loob ng box, narito ang pogs na may sulat ng mga pangalan namin, maski itong boyscout hankerchief slide kinuha ko sa kanya ito ng walang paalam dahil bumili siya ng bago. Ganoon din itong bilog na pin sa backpack niya ay kinuha ko din, nuong hinatid niya ko dito sa bahay dahil hindi ako nasundo ni Papa nuon.
"Ano ito? Hindi ko ata natatandaan may sobre akong nilagay dito!"
Kaagad ko kinuha ang isang sobre naiwan sa box. Binuksan ko ang sobre may litrato sa luob, picture namin dalawa ni Grecko nakasuot siya ng barong samantalang ako ay naka PE uniform dahil calisthenics lang naman ang ginawa namin. Ito yun may event kami sa school, si Manong jerry na photographer ang kumuha nito.
Flashback
Nagpapalakpakan ang mga tao ng tawagin ang mga grade 6 students upang magperform ng folk dance na cariñosa. Napakadaming tao ang nanunuod hindi lamang sa mga parents at mga estudyante kundi dahil na rin sa kasikatan ni Grecko.
Pilit akong tumitingkayad pero dahil sa liit ko ay hindi ko makita si Grecko. Naisip kong umakyat sa 2nd floor ng isang building pero nakita kong punong-puno na rin ang corridor. Tinatangay na ako ng dagsa ng tao lalo na mag umpisa na ang tugtog ng cariñosa. Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko sa kawalan ng pagkakataon mapanuod ang crush ko.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...